Archive for category Pagsasalin

Ako

Antonio F. Trillanes IVay gawa ng makatang Indonesian na si Chairul Anwar noong umalis siyang galit sa pagbababae ng kanyang ama. Naging tangi itong poem ng mga rebolusyonaryong taga-Indonesia. Salin ko:

Kung panahon ko na
ayokong may maawa
maski ikaw pa

Ayoko ng may sumipsip

Isa lamang akong mabangis na hayop
itiniwalag maski ng sarili kong pangkat

Maski tagusan ng bala ang aking balat
Magagalit pa rin ako’t lulusob

Sugat at lason titiisin ko’t tatakbo
tatakbo

hangga’t sa mawala ang sakit

At mas lalong babaliwalain ko
nais kong mabuhay ng isanglibo pang taon

Heto ang orihinal sa Wikipedia (link):

Kalau sampai waktuku
Kumau tak seorang ‘kan merayu
Tidak juga kau

Tak perlu sedu sedan itu!

Aku ini binatang jalang
Dari kumpulannya terbuang

Biar peluru menembus kulitku
Aku tetap meradang menerjang

Luka dan bisa kubawa berlari
Berlari

Hingga hilang pedih peri

Dan aku akan lebih tidak peduli
Aku mau hidup seribu tahun lagi!

Ingles naman:

If my time has come
I don’t want anyone to beg
Not even you

I don’t need that sniveling!

I’m but a wild animal
Exiled even from his own group

Even if bullets pierce my skin
I will still enrage and attack

Wounds and poison I’ll take running
Running

Until the pain leaves

And I will care even less
I want to live a thousand more years

Isinulat ng makabayan na Cuban na si Jose Marti: “the first duty of a man is to think for himself”. Heto ang tanging motto ng blog kong ito. Sariling isip ng bawat isa ang mahalaga.

Nabasa ni Jose Rizal si tukayong Marti niya: “I want to die facing the sun”. Isinatupad niya ito noong patayin siya. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Duterte na bayot ang takot pumatay,  pero mahalaga ang manindigan, ang maging hindi takot mamatay o harapin ang anumang dapat harapin na walang pagsisisi para maging tunay na matapang.

Duwag sa tingin ko ang karamihan sa mga Dutertista – matapang lang sa Internet o kaya sa grupo. Karamihan sa Pilipino kulang pa rin ang lakas-loob para panindigan ang sariling palagay na hindi nagtatago sa saya ng grupo – may iilang mga dilaw na ganito, karamihan ng Dutertista ganito sa tingin ko, maraming Marcos loyalist na ganito pero may nakilala rin akong mga hindi ganyan.

Mahalaga sa maturity na ibinanggit  ko sa huli kong artikulo ang manindigan kahit kontra ito sa sariling grupo. Kulang ito sa maraming Pilipino, kahit saan. Ang nakikita kong matapang talaga si Senador Trillanes – iniwan niya ang Senate Majority noong galit siya kay Enrile at hindi niya binalikan, sariling paninindigan ang kanyang ipinaglalaban kahit saan at walang kinikilala kahit sino.

Kung isa siyang “ulol na aso” para sa marami, o kaya mabangis na hayop, itiniwalag maski ng sarili niyang pangkat, eh di mabuti. Sana dumami ang katulad niya. Mature na Pilipino.

Irineo B. R. Salazar, München, 7. Mayo 2016

P.S. ang “kau” sa Bahasa “ikaw” sa Tagalog – mukhang sa text language naging mas Malay ulit ang wika ng Pilipino.

Tags: ,

Riss – eine Philippinische Kurzgeschichte – von Rolan F. Literatus

Bundesarchiv Bild 183-H26995, KZ Dachau, Leiche vor Verbrennungsofen

KZ Dachau, Leiche vor Verbrennungsofen

Die Stadt Belo ist als einer der fortschrittlichsten Städte auf den ganzen Philippinen bekannt. Für Fremde blendet sie meistens mit großen kommerziellen Gebäuden in der poblacion, riesengroßen Einkaufszentren, breiten Straßen, zackigen Polizisten, sauberer Umgebung, und Leuten die nicht in öffentlichen Orten rauchen. Für die Einheimischen in Belo ist dies alles bereits normal. Wenn man sie fragt wie dies von der Stadt Belo erreicht wurde, antworten sie meistens sofort, dass es an ihrem Bürgermeister Bantaleon* liegt. Er soll in punkto Disziplin nicht nur mit der Polizei sondern gegenüber allen Bürgern sehr streng sein. Er sagt ganz offen, dass es in der Stadt Belo für Kriminelle keinen Platz gibt, und dass sie gehen sollen, wenn sie nicht in der Stadt Belo getötet werden sollen. Er sagt dies oft und es wird durch die Hunderten an Getöteten in der Stadt bewiesen. Manchmal gibt er zu, dass er Kriminelle selber tötet. Er tut auch nichts gegen die, die von Bürgerrechtsorganisationen als Schergen bezeichnet werden. Manchmal hat er schon die Namen einiger Kriminelle genannt, und sie wurden nach einigen Tagen oder Monaten tot aufgefunden. Salvaging oder “Bergung” wird dies genannt. Die meisten aus Belo sagen, dass dieses System in Ordnung ist. Sie freuen sich, wenn sie in davon hören, dass Taschendiebe, Einbrecher und andere Kriminelle getötet wurden. Das ist ja in Ordnung! Es werden ja nur die Geißeln der Gesellschaft getötet! Diese Ansicht ist bei ihnen bereits normal. Mang Juan* ist einer, der sich darüber freut.

Mang Juan hat ein einziges Kind, Jose. Jose ist neunzehn Jahre alt und wird in einem Semester mit dem College fertig sein. Mang Juan nennt ihn seinen Diamanten. Fleißig. Intelligent. Verantwortungsbewusst.

Es kam dazu, dass Jose bei Einbruch der Nacht durch die Gräser nach Hause lief. Noch einige Augenblicke, und Jose sah, wie ein Mann einen knieenden und um Gnade flehenden Teenager erschoss…

Bis Mitternacht wartete Mang Juan auf Jose bis er einschlief. Am nächsten Morgen wurde er durch den Lärm seiner Nachbarn geweckt. Er ging aus dem Haus heraus und fragte was passiert war. Sie sagten, es wurden welche getötet und in der Nähe des Friedhofs entsorgt. “Dass ist gut! Die Geißeln der Gesellschaft! Geschiet Ihnen Recht,” sagt Mang Juan sofort. Er ging mit den Nachbarn als Schaulustiger mit. Viele Leute standen herum. Sie tuschelten. Geschiet ihnen Recht. Schaut was für Kriminelle das sind. Passt zu ihnen. Mang Juan quetschte sich zwischen die Menschen bis ihm liegend… zwei Leichen erschienen. Eine mit Tätowierungen auf dem ganzen Körper. Die andere war der, auf den er die ganze Nacht gewartet hatte.

Er schaute zum blauen Himmel hinauf, der auf einmal einen Riss zu haben schien… darauf folgte ein spitzer Schrei, wie der eines Hundes, der einen Welpen verloren hat…

Am 19. Dezember 2015 in München von Irineo B. R. Salazar aus dem philippinischen Original übersetzt.

(Anmerkung des Übersetzers: “Mang” ist eine Bezeichnung für Männer des einfachen Volkes auf den Philippinen, Bantaleon ist ein Wortspiel auf banta – Warnung, und Leon – Löwe)

Tags:

Tungkol sa Gobyerno ni John Locke, Unang Parte, Chapter 1

John Locke (Wikimedia)

Introduksyon ng nagsalin: Si John Locke ang tanging nagbigay ng pundasyon sa mga prinsipyo na nagtaguyod sa Estados Unidos. Isa siyang Ingles na inspirasyon nila Thomas Jefferson para sa Declaration of Independence at Constitution ng US. Heto ang pangunahing parte ng kanyang “Two Treatises of Government”. Kontra sa patriarchalism o maka-apong pag-iisip ang unang parte, tungkol naman sa gobyernong sibiko ang pangalawa.

Ang orihinal na Ingles ay matatagpuan dito: http://socserv2.socsci.mcmaster.ca/econ/ugcm/3ll3/locke/government.pdf. Iyong mga manunulat noong araw, tulad din ng mga blogger ngayon, nagsasagutan. Sagot ni John Locke itong unang bahagi ng “Tungkol sa Gobyerno” kina Robert Filmer at ang kanyang mga sunud-sunuran na para sa maka-apo (patriarchal) na pag-iisip na kontra sa kalayaan.

Pabor sila Filmer sa mga katulad ni King James II, na naniniwalang may banal siyang karapatang mamuno, kaya siya pinaalis ng mga Ingles. Sila Locke naman ay para kay King William, na ginusto ng mga taongbayan at sumunod kay King James II pagkatapos ng ito’y palayasin.


Pagkabisto at paglansag sa mga maling Prinsipyo at Pundasyon nila Sir Robert Filmer at mga sunud-sunuran niya.

Unang-una: Napakasama at kasuklam-suklam ng pagka-alipin para sa tao, at salungat talaga sa kabaitan at lakas-loob ng bayan natin, na napakahirap isipin na para dito ang isang Ingles, mas lalo pa isang maginoo. Dapat sana’y ang trato ko sa Patriarcha ni Sir Robert Filmer ay parang biro lang, tulad ng lahat ng talakayan na gustong palabasin na alipin lang tayo at ito’y karapat-dapat, at hindi ko sana sineryoso kundi sana napakaseryoso ng kanyang titulo at pagkasulat, pati iyong litrato sa harap ng libro at ang paghanga sa kanya ng marami. Kaya sineryoso ko ang nagsulat at naglimbag.

King James II of England

King James II

Kaya binasa ko ng husto ang librong ito, at umasa akong may sinasabi ito gawa ng maingay talaga ang paghanga sa kanya sa abroad, pero nagtaka ako na ang buhangin lang pala ang mga kadenang gusto niyang gawin para sa mga tao, maganda siguro para sa mga gustong manloko at mang-uto ng tao, pero hindi makakapag-alipin sa mga taong bukas ang mata at mulat, na nakakaalam na hindi bagay isuot ang mga kadena, kahit pulidong-pulido sila.

Pangalawa: Kung may makaisip man na wala akong galang kung magsulat ng napakalaya tungkol sa isang champion ng kapangyarihang lubos, at idolo ng mga sumasamba rito; nagpapaamo ako ng isang beses man lang na pagbigyan ang isang tao na kahit nabasa na niya ang libro ni Sir Robert ay may sariling isip pa rin, dahil nasa batas na ipinipayagan siyang maging malaya: at wala akong nalalaman na mali sa pagiging ganito, maliban sa may makapagsabi sa akin, gawa ng kanyang mga argumento, na ang kanyang pagtatalakay ay ang tanging tama para sa pulitika magmula ngayon.

Simpleng direksiyon lang ang kanyang pagdadahilan, na ang lahat ng gobyerno ay paghaharing lubos, at ang kanyang pinagtatayuan ay heto lang: “walang taong ipinanganak ng malaya”.

Pangatlo: sa mga nakaraang taon, may henerasyong sumibol na nais sumipsip sa mga matataas, at sinasabi nila sa kanila na may banal na karapatan sila sa kapangyarihang lubos, kahit ano ang mga batas na pundasyon nilang mamuno, at kahit papaano sila mapunta sa puwesto; at marami pa silang mga matimtim na panunumpa at pangako para patibayin na susundan nila ang mga ito.

Para magawa nila itong gusto nila, tinatanggihan nila ang natural na kalayaan ng tao; hindi lang nila nilagay sa sukdulang paghihirap ang kanilang mga mamamayan, kundi tinanggalan din nila ng karapatan ang mga dating mga pinunongbayan (dahil sila rin, maliban sa iisa lang, sa sistema nila, ay ipinanganak bilang alipin, at dapat sumunod sa iisang tagapagmana ni Adam); para bang ninais nilang makipag-gyera sa buong gobyerno, at wasakin ang mismong pundasyon ng lipunan, para makabuti sa kanilang pagiging nasa puwesto.

Bongbong Marcos

Ferdinand Marcos Jr.

Pang-apat: Dapat nating paniwalaan ang mismo nilang salita kapag sabihin nila sa atin na “tayo’y alipin lahat, at dapat nating ituloy ito;” at walang remedyo para rito, alipin ka sa pagsilang mo hanggang sa mamatay ka. Wala siguro iyan sa Bible o sa anumang pag-iisip, kahit palagi nilang ulit-uliting banal na karapatan ng isang tao lang ang mamuno. Ang ganda naman kung ganyan talaga ang nararapat sa tao, at sila lang ngayon ang nakatuklas na tama ito!

Kahit laitin ni Sir Robert Filmier sa Patriarchia Parte Tres ang palagay na salungat sa kanya, mahihirapan siyang makahanap ng ibang panahon o bansa, maliban sa kanya, na nagsabing banal na batas ang paghari ng isang tao lamang. Inaamin din niya sa Patriarchia Parte Cuatro na “pinagtibay nila Heyward, Blackwood, Barcly atbp. ang karapatan ng naghahari sa halos lahat ng punto, pero hindi nila ito naisip, gawa ng inaamin nilang natural na malaya at pantay ang tao”.

Panglima: Bahala na ang mga historian kung sino ang nagpauso ng ganitong doktrina dito, at kung ano ang mga masamang epekto nito para sa lahat, o kaya sa mga nakadanas nito. Gusto ko lang talakayin ngayon ang isinulat ni Sir Robert Filmier, dahil siya ang talagang nagbuo ng argumento kung bakit daw tama ito: dahil kahit sinong may pinag-aralan ay aayaw sa ganitong bobong sistema ng pulitika, na nagsasabing “hindi malaya ang tao, kaya hindi sila ang dapat mamili ng kanilang mga pinuno o sistema ng gobyerno”.

Para sa kanya, lubos ang kapangyarihan ng isang hari, at banal na karapatan, dahil walang karapatan ang mga aliping gumawa ng sariling kasunduan o umayaw dito. Lubos daw ang paghahari ni Adam, kaya ang lahat ng hari magmula sa kanya, ganoon din ang karapatan.

Isinalin ni Irineo B. R. Salazar, Munich, November 24, 2015.

Tags: ,

Sun Tzu in Filipino Chapter 13

Paggamit ng Espiya

William Joseph Donovan, OSS

Heneral Donovan, CIA

1. Sabi ni Sun Tzu: malaki ang gastos para sa Estado, at malaki ang nawawala sa taongbayan sa pagtayo ng isang puwersa ng isangdaanglibong katao at ang pagmartsa sa kanila nang malayo. Iilang libong onsa na pilak ang gagastusin araw-araw. Magkakagulo sa loob at labas ng bayan, at maraming konsumidong hihimatayin sa kalye. Iilang daang libong pamilyang mahahadlangan sa kanilang hanapbuhay.

2. Maaring iilang taong magkakaharap ang dalawang puwersang magkakaaway na kapwang nagsusumikap manalo, pero sa isang araw lang ito makakamtan. Dahil ganoon, hindi makatao ang maging ignorante sa kalagayan ng kaaway dahil sa ayaw lang gumastos ng sandaang unsa na pilak bilang bayad sa espiya.

3. Ang gumagawa ng ganoon, hindi heneral, inutil sa kanyang pinuno, at hindi marunong manalo.

4. Kaya ang mauna sa nalalaman ang nagbibigay ng kakayahan sa tusong pinuno at mabuting heneral upang matamaan at masagupa ang kaaway.

5. Hindi makukuha itong nalalaman sa panghuhula; hindi rin ito maibabase sa experiyensiya o sa anumang kalkulasyon.

6.  Sa ibang tao mo lang malalaman ang disposisyon ng kaaway.

7.  Kaya gumagamit tayo ng espiya, na may limang uring natatangi: (1) espiyang pampook; (2) espiyang tagaloob; (3) espiyang ibinaligtad (4) espiyang patay; (5) espiyang buhay.

8. Kapag umiiral itong limang uri ng espiya, walang makakatuklas sa sekretong sistema. Heto ang itinatawag na mahiwagang pagpapatakbo at pagiimpluwensiya. Heto ang pinakamahalagang kakayahan ng isang pinuno.

9. Ang mga espiyang pampook, galing sa mga nakatira sa isang teritoryo.

10. Ang mga espiyang tagaloob, galing sa mga opisyal ng kalaban.

11. Ang mga espiyang ibinaligtad, galing sa mga espiya ng kalaban na nadakip at naibaligtad para pakinabangan.

12. Mga espiyang patay, lantad na may ginagawa para malito ang kaaway at ibinibisto ng mga espiya natin mismo sa kalaban.

13. Mga espiyang buhay, nagdadala ng balita galing sa kampo ng kalaban.

14. Kaya dapat alagaan at bantayan ng mabuti ang mga espiya, at bayaran ng mabuti. Maging malihim ka ng husto sa pamamalakad sa espiya.

15. Hindi mapapakinabangan ang mga espiya kung hindi ka marunong kumilatis at makiramdam.

16. Hindi mo sila mahahawakan kung hindi ka makatao at matuwid.

17. Kung hindi ka tuso, hindi mo malalaman kung gaanong katotoo iyong mga iniuulat nila.

18. Gamitin mo ang iyong mga espiya para sa iba’t-ibang bagay.

19. Kapag ibinisto ng isang espiya ang isang balitang sekreto habang hindi pa tamang panahon, dapat siyang patayin kasama ng nasabihan ng sekretong ito.

20. Kung ang layunin ay wasakin ang isang puwersa, lusubin ang isang siyudad, o kaya patayin ang isang tao, alamin palagi ang mga pangalan ng mga alalay, mga adyutante, mga nasa pinto at tagabantay ng heneral na namumuno. Dapat iutos sa mga espiya na siguraduhin ang mga ito.

1990 CPA 6266

Kim Philby, traidor na taga-Inglatera

21. Dapat hanapin ang mga espiya ng kalaban na pumunta sa atin para usisahin tayo, painan, kuhanin at bahayin ng komportable. Sa ganoon, magiging espiyang ibinaligtad sila na handang sumilbi sa atin.

22. Gawa ng inpormasyon na dala ng espiyang ibinaligtad, makakakuha tayo ng mga espiyang pampook at espiyang tagaloob.

23. Gawa rin ng inpormasyon niya, magagamit natin ang espiyang patay para magdala ng maling balita sa kalaban.

24. Sa bandang huli, mapapakinabangan ang espiyang buhay sa nararapat na panahon.

25. Ang layunin ng limang uri ng pag-espiya ay kaalaman tungkol sa kalaban, at ang espiyang ibinaligtad ang unang makakapagbigay ng inpormasyon na ganito sa atin. Kaya dapat pagbigyan ng husto ang espiyang ibinaligtad.

26. Noong araw, umangat ang Yin dynasty gawa ni I Chih na trumaidor sa mga Hsia. Umangat din ang Chou dynasty gawa ni Lu Ya na doon sa mga Yin nagtatrabaho.

27. Kaya pakikinabangan ng isang pinunong marunong at ng heneral na tuso ang mga pinakamatalino sa puwersa para sa pag-espiya upang makakamit ng napakabuting resulta. Napakahalaga ng mga espiya sa tubig, dahil sa kanila nagdedepende kung makakakilos ang puwersa.

Irineo B. R. Salazar, München, 5. October 2015

Tags: ,

Sun Tzu in Filipino Chapter 12

Ang atake sa pamamagitan ng apoy

1. Sabi ni Sun Tzu: lima ang paarang umatake sa pamamagitan ng apoy. Primero: sunugin ang mga sundalo sa kanilang kampo. Segundo: sunugin ang mga almasen. Tercero: sunugin ang sasakyan na may dalang bagahe. Kuwatro: sunugin ang mga sandata at bala. Singko: magtapon ng apoy sa kalaban.

2. Para makaatake, kailangang maging handa. Dapat laging nakahanda ang mga materyales para gumawa ng apoy.

Iraqi Security Forces, Paratroopers respond after indirect fire attack in al-Karada DVIDS1588393. May tamang panahon para umatake sa pamamagitan ng apoy, at may natatanging araw para magsimula nito.

4. Tamang panahon kapag tuyong-tuyo lahat; sa buwan nakikita kung ano ang mga natatanging araw – tignan kung kailan palakas ang hangin.

5. Kung sunog ang ginagamit para umatake, dapat handa ka para sa limang puwedeng mangyari:

6. (1) Kung magkaroon ng apoy sa loob ng kampo ng kaaway, atake kaagad mula sa labas.

7. (2) Kung magkasunog sa kampo, pero tahimik ang mga sundalo ng kaaway, hintay ka muna at huwag umatake.

8. (3) Kapag nasa sukdulan na ang apoy, sundan mo kaagad ng atake kung makakaya mo; kung hindi, huwag kang kumilos.

9. (4) Kung posibleng magsimula ng sunog mula sa labas, huwag mong antayin na magsimula ito sa loob, kundi umatake ka kapag tama ang timing.

10. (5) Kung magsimula ka ng apoy, dapat doon ka kung saan galing ang hagnin. Huwag kang umatakeng kontra sa hangin.

11. Hangin na lumalakas sa araw, tumatagal. Ihip ng hangin sa gabi nawawala.

12. Sa bawat army, dapat alam ang limang puwedeng mangyari sa apoy, pag-aralan ang magiging panahon at hangin para sa tamang araw.Atomic Explosion over Hiroshima

13. Kaya ang gumagamit ng apoy para umatake, matalino, ang gumagamit ng tubig para umatake, lumalakas.

14. Sa pamamagitan ng tubig, mapipigil ang kaaway, pero hindi siya mahihiwalay sa lahat ng kanyang pag-aari.

15. Malas ang kapalaran ng nagnanais manalo sa labanan at paglusob pero hindi nagtuturo ng katapangan; dahil nasasayang lang ang oras at walang nangyayari.

16. Kaya may kasabihan: ang pinunong malawak ang kaisipan, nagpaplano ng pangmatagalan; ang heneral na sanay, inaalagaan ang kanyang mga resources.

17. Huwag kang kumilos kung wala kang bentaha; huwag mong gamitin ang puwersa mo kung walang makukuha; huwag kang lumaban kung hindi mahalaga ang posisyon.

18. Walang pinunong dapat maglabas ng puwersa sa labanan para magpasikat; walang heneral na dapat lumaban dahil lang sa pagkapikon.

19. Kung makakalamang ka, umabante ka; kung hindi, huwag kang kumilos.

20. Ang galit, maaring maging kasiyahan pagdating ng panahon; pagkaasar, maaring maging pagkakuntento ang kasunod.

21. Pero hindi mababalik ulit ang isang bansang tuluyang nawasak; hindi rin maaring buhayin ulit ang mga patay.

22. Kaya ang pinunong malawak ang kaisipan, mapag-intindi, at maingat ang mabuting heneral. Sa ganito payapa ang bansa at buo ang kanyang puwersa.

Irineo B. R. Salazar, München, 26. September 2015

 

Tags: ,

Sun Tzu in Filipino Chapter 11

Siyam na Sitwasyon

IfugaoTerraces, Philippines1. Sabi ni Sun Tzu: siyam na sitwasyon tungkol sa lugar ang kinikilala ng kasanayan sa gyera: (1) kalat na lugar; (2) madaling lugar; (3) lugar ng pinagtatalunan; (4) bukas na lugar; (5) lugar ng mga kalyeng nagsasama-sama; (6) seryosong lugar; (7) mahirap na lugar; (8) lugar na mahirap makalabas; (9) desperadong lugar.

2. Kapag lumalaban ang isang pinuno sa sariling teritoryo, kalat na lugar ang tawag dito.

3. Kung nakapasok na siya sa teritoryo ng kalaban pero hindi pa gaano, madaling lugar ito.

4. Ang lugar na makakapagbigay ng malaking lamang sa nakakahawak, lugar na pinagtatalunan.

5. Ang lugar kung saan madaling makakilos lahat, bukas na lugar.

6. Ang lugar kung saan madaling makapunta sa iba’t-ibang teritoryong malapit, na kung sino ang makahawak nito, hawak ang buong bansa, lugar ng mga kalyeng nagsasama-sama.

7. Kapag nakapasok ang puwersa sa loob ng bansa ng kalaban at may mga kutang iniwan sa likod, seryosong lugar ito.

8. Gubat sa bundok, labon at latian – lahat ng lugar na mahirap tawirin – ito ang lugar na mahirap.

9. Lugar na maabot lang sa makitid na lugay, na malalabasan lang sa daang pasikot-sikot, kung saan sapat ang kokonting kalaban para sagupain ang isang malaking puwersa natin: ito ay lugar na mahirap makalabas.

10. Lugar na makakaligtas lang tayo kung lalaban tayo kaagad – ito ay lugar na desperado.

11. Kaya sa kalat na lugar, huwag kang lumaban. Sa madaling lugar, huwag kang tumigil. Sa lugar na pinagtatalunan, huwag kang lumusob.

12. Sa bukas na lugar, huwag mong subukang hadlangan ang kalaban.  Sa lugar ng mga kalyeng nagsasama-sama, makipag-ugnay ka sa iyong mga kakampi.

13. Sa seryosong lugar, magnakaw ka. Sa mahirap na lugar, huwag kang tumigil sa pagmartitsya.

14. Sa lugar na mahirap makalabas, dumeskarte ka. Sa lugar na desperado, lumaban ka.

December 1982, Hundred Islands-215. Ang mga tinatawag na magagaling na pinuno noong araw, marunong gumawa ng hadlang sa harap at likod ng kalaban; siguraduhin na hindi makipag-ugnay ang kanyang mga malaki at maliit na dibisyon, abalahin ang mga magagaling na tropa para hindi nila matulungan ang mga tropang mahina; pigilin ang mga officer na maitipon nila ang kanilang mga sundalo.

16. Kapag magkaisa ang mga sundalo ng kalaban, nagawan nila ng paraan para magkagulo sila.

17. Kung mapapakinabangan nila, umabante sila, kung hindi, huminto sila.

18. Kung itanong ka kung paano mo kakayanin ang isang malaking puwersa ng kalaban na nakahanay na maayos at handang lumusob, ito ang masasabi ko: “kunin mo muna ang isang bagay na mahalaga sa kalaban, saka niya gagawin ang gusto mo”.

19. Kabilisan ang pinakamahalag sa gyera: samantalahin mo ang hindi pagkahanda ng kalaban; lumapit ka mula sa rotang di inaasahan, at atakehin mo ang mga lugar na walang guwardiya.

20. Heto ang mga prinsipyo para sa isang puwersa na sumasalakay: habang napupunta ka sa loob ng isang bansa, lalaki ang pagkakaisa ng iyong mga sundalo, kaya hindi mananalo ang mga dumedepensa.

21. Magnakaw ka sa masasaganang lugar para may pagkain ang puwersa mo.

22. Pag-aralan mo ng mabuti ang kalusugan ng iyong mga sundalo at huwag mo silang pagurin masyado. Ipaloob at ipunin mo ang iyong lakas. Laging dapat kumikilos ang puwersa mo, at gumawa ka ng mga planong hindi makilatis.

23. Ilagay mo ang mga sundalo mo sa mga posisyon na walang takas, at mas gugustuhin nila ang kamatayan kaysa tumakas. Kung haharap sila sa kamatayan, wala silang hindi mararating. Ipapakita ng mga officer at sundalo ang kanilang pinakamalaking lakas.

24. Mawawalan ng takot ang mga sundalo kapag nasa desperado silang sitwasyon. Kung wala sila tatakasan, matatag sila. Kung nasa bansa sila ng kalaban, titigas ang ulo nila. Kung walang tutulong sa kanila, lalaban sila ng matindi.

25. Kaya magiging laging masigla ang mga sundalo kahit walang tumutulak sa kanila; gagawin nila ang gusto mo kahit hindi mo hingiin sa kanila; magiging tapat sila na walang nagbabantay; mapapagkatiwalaan sila kahit hindi inuutusan.

Aviaductjf26. Ipagbawal ang panghuhula at panghihinala. Sa ganoon, walang dapat pagtakutan kundi ang kamatayan kapag dumating.

27. Kung walang gaanong salapi ang mga sundalo, hindi ito dahil ayaw nila ito; kung hindi gaanong mahaba ang mga buhay nila, hindi ito dahil ayaw nila ito.

28. Sa araw na uutusan silang lumaban, maaring umiyak ang mga sundalo mo, at mabasa ang kanilang mga damit o pisngi. Ngunit matatapang sila kapag napakilos mo na.

29. Ang magaling sa taktika, parang ahas na kung tamaan mo sa ulo, buntot ang aatake sa iyo, kung tamaan mo sa buntot, ulo ang aatake, kung sa gitna mo tamaan, ulo at buntot ang aatake.

30. Kung ako ang tatanungin kung paano magagaya ng isang army ang ahas na ganoon, maisasagot ko na kahit magkakalaban, kung nasa iisang barko at nabagyo, magpipintakasi.

31. Kaya huwag kang masyadong magtiwala lang sa kabayo o sasakyan.

32. Dapat iisa ang antas ng katapangan sa loob ng isang puwersa.

33. Gamitin sa tamang paraan ang lugar para mapakinabangan ang malalakas at mahihina.

34. Kaya ang magaling na heneral kung mamuno sa isang puwersa, parang umaakay sa isang sundalo sa gusto niya.

35. Trabaho ng heneral ang maging tahimik at malihim, matuwid at makatarungan upang maayos ang pamamalakad.

36. Kaya dapat niyang lituhin ang kanyang mga alagad at tauhan sa pamamagitan ng hindi tunay na ulat at paglitaw, para manatili silang ignorante.

37. Papalit-palit dapat ang kanyang mga pagsasaayos at plano para walang alam ang kaaway. Palipat-lipat dapat ang kampo niya at maligoy ang daan para hindi alam ng kaaway ang gagawin niya.

38. Sa mahalagang momento, dapat siyang maging parang isang umakyat tapos isinipa ng patalikod ang hagdan. Papasok muna siya sa teritoryo ng kalaban bago niya ipakita ang kanyang hawak na baraha.

39. Isinusunog niya ang kanyang mga barko at iwinawasak niya ang mga kalan; kung saan-saan niya ipinapupunta ang mga tauhan niya para walang makaalam kung saan siya patungo.

40. Itipon ang kayang puwersa at ilagay ito sa panganib – ito ang trabaho ng heneral.

41. Ang iba’t-ibang hakbang na bagay sa siyam na uri ng lugar; ang pagiging bagay ng taktikang agresibo o depensibo; at ang mga saligang lamat ng mga tao: ito ang mga bagay na dapat pag-aralan.

42. Kung lulusob ka sa teritoryo ng kaaway, heto ang totoo: kung lulusob ka ng malalim, pagkakaisa ang resulta; pagkawatak-watak lang ang mangyayari sa paglusob na maigsi.

43. Kapag iniwan mo ang iyong bansa at tumawid ka sa teritoryo ng iba, nasa mahirap kang lugar. Kung may mapupuntahan ka sa lahat ng direksiyong, nasa lugar ka ng mga kalyeng nagsasama-sama.

44. Kung nakapasok ka ng husto sa isang bansa, seryosong lugar ito. Kung hindi ka gaanong nakapasok, madaling lugar ito.DupaxdelNorte,Nueva Vizcayajf7029 26

45. Kung nasa likod mo ang mga kuta ng kalaban, at makitid na lagusan ang nasa harap mo, nasa lugar ka na mahirap makalabas. Kung wala kang matakasan, nasa desperadong lugar ka.

46. Kaya sa kalat ng lugar, gigisingin ko ang pagkakaisa ng mga sundalo. Sa madaling lugar, sisiguraduhin kong magkalapit ang lahat ng bahagi ng aking puwersa.

47. Sa lugar na pinagtatalunan, pagmamadaliin ko ang likuran ng puwersa.

48. Sa bukas na lugar, pagmamasdan ko ang aking mga depensa. Sa lugar ng mga kalyeng nagsasama-sama, patitibayin ko ang aking mga alyansa.

49. Sa seryosong lugar, sisikapin kong hindi maputol ang pinangagalingan ng supplies. Sa mahirap na lugar, mananatili ako sa pag-abante.

50. Sa lugar na mahirap makalabas, haharangin ko ang lahat na mauurungan. Sa lugar na desperado, ipapahayag ko sa mga sundalo na wala na silang pag-asang makaligtas.

51. Pagka’t natural sa sundalo ang lumaban ng husto kapag napapaligiran, lumaban ng mabagsik kapag wala nang pag-asa, at sumunod sa utos sa oras ng panganib.

52. Hindi tayo maaring makipag-alyansa sa mga pinunong kalapit natin kung hindi natin alam ang kanilang mga layunin. Hindi tayo karapat-dapat mamuno sa isang puwersang nagmamartsa kung hindi natin gamay ang bansa – ang kanyang mga bundok at gubat, patibong at bangin, lati at bani. Hindi natin mapapakinabangan ang mga natural na bentaha kung hindi tayo gagamit ng mga patnubay na galing sa lugar mismo.

53. Hindi nararapat sa isang pangulong mandirigma ang bumali-wala sa apat o limang prinsipyong sumusunod.

54. Kung aatakehin ng pangulong mandirigma ang isang estadong malakas, ginagawa niya ang lahat para hindi magka-kumpol-kumpol ang mga puwersa ng kalaban. Isinisindak niya ang kanyang mga kaaway para hindi sila tulungan ng kanilang mga kakampi.

55. Kaya hindi niya inaatupag ang makipagkampi sa lahat, at hindi niya ipinalalakas ang ibang estado. Lagi siyang may lihim na itinatangka para mapahanga ang kanyang mga katalo. Kaya niyang masagupa ang kanilang mga siyudad at ibagsak ang kanilang mga bansa.

View from Mt. Manaphag56. Magbigay ka ng gantimpala na walang pakialam sa patakaran, mag-utos ka na walang pakialam sa pinagkasunduan; at mahahawak mo ang isang puwersa na parang isang tao lamang.

57. Sabihin mo lang sa sundalo kung ano ang gagawin nila, huwag mong ipabatid ang plano mo. Kung may pag-asa, ipakita mo sa kanila; pero huwag mong sabihin sa kanila kung malabo ito.

58. Ilagay mo sa mortal na panganib ang iyong puwersa, at mabubuhay ito; ilagay mo sa sitwasyon na desperado, at makakaligtas ito.

59. Ang puwersang nasa mapanganib na sitwasyon, makakagawa ng paraan para manalo.

60. Magtatagumpay ka sa gyera kung maingat tayong makikibagay sa hangarin ng kaaway.

61. Kung lagi tayong sasabit sa gilid ng kaaway, sa tagal-tagal mapapatay din natin ang kanyang punong komandante.

62. Ito ang itinatawag na kakayahang makamtan ang isang bagay sa pamamagitan ng lubos na pagkatuso.

63. Sa araw na mailagay ka sa kapangyarihan, harangin mo ang mga lagusan, sirain mo ang lahat ng nakatala, at pigilin mo ang pagdaan  ng lahat ng emisaryo.

64. Maging mahigpit ka sa konsehal, para hawak mo ang sitwasyon.

65. Kung hayaang bukas ng kaaway ang isang pintuan, pasok agad.

66. Unahan mo ang kalaban – kunin mo ang mahalaga sa kanya, at abangan mo ang kanyang pagdating.

67. Sundan mo muna ang landas na nakatakda at makibagay ka sa kalaban hangga’t sa kaya mo siyang ituluyan sa labanan.

68. Magpakipot ka na parang dalaga hangga’t sa bigyan ka ng pagkakataon ng kalaban; pagkatapos bilisan mo ang paglusob para hindi ka na na makontra ng kaaway.

Irineo B. R. Salazar, 12 September 2015, München

Tags: ,

Sun Tzu in Filipino Chapter 10

Iba’t-ibang Lugar

Takatori mountain pass 041. Anim na uri nang lugar ang matatangi: (1) Lugar na madaling maabutan (2) lugar na nakakaabala (3) lugar na patas (4) makitid na lagusan (5) matataas na lugar (6) mga lugar na napakalayo sa kalaban.

2. Ang tawag sa lugar na madaling daanan sa bawat direksiyon, lugar na madaling maabutan.

3. Pagdating sa lugar na ganito, mauna ka sa kalaban para hawak mo ang mga lugar na mataas at maaraw, at guwardiyahan mo ng mabuti iyong rota ng iyong mga supplies. Diyan ka makakapaglaban na may lamang.

4. Ang lugar na madaling iwanan pero mahirap masaklaw ulit, lugar na nakakaabala.

5. Sa posisyon na ganito, kung hindi handa ang kalaban, maari kang lumusob at talunin siya. Pero kung handa ang kalaban sa iyong pagdating at hindi mo siya matalo, hindi ka makakabalik at kapahamakan ang mangyayari.

6. Kung walang makakalamang kapag siya ang unang kikilos, lugar na patas ang tawag.

7. Sa ganitong lugar, kahit magandang pain ang ialok sa atin ng kalaban, mas maganda kung hindi tayo hahakbang, kundi umurong, para mapain din ang kalaban; tapos kung lumabas ang isang parte ng kanyang mga puwersa, makakaatake tayo na may pakinabang.

8. Pagdating sa mga makitid  na lagusan, kung mauna ka doon sa paghawak, magtayo ka ng matatag na kuta para hintayin ang kalaban.

9. Kung mauna ang kalaban mo sa paghawak ng isang lagusan, huwag mo siyang habulin kung matatag na ang kayang kuta, lumusob ka lang kung mahina pa ang kanyang depensa.

10. Pagdating sa matataas na lugar, kung mauna ka sa iyong kalaban, hawakan mo iyong mga matataas at maaraw na lugar, tapos hintayin mo siyang umakyat.

11. Kung nauna ang kalaban mo sa paghawak ng ganitong mga lugar, huwag mo siyang sundan – umurong ka at subukan mo siyang enganyohing umalis.

12. Kung malayo ka sa kalaban, at patas lang ang dalawang puwersa, mahirap maghamon ng away, at ikaw ang malulugi.

13. Etong anim na prinsipyo, sa lugar nakatali. Pag-aralan ito ng mabuti ng isang heneral na may katayuang responsable.

14. Anim na kasawian ang maaring mangyari sa isang puwersa, hindi galing sa natural na dahilan, kundi sa pagkakamali na responsibilidad ng heneral. Eto ay: (1) Pagtakas (2) Pagkasuway (3) Pagkabagbag (4) Pagkasira (5) Gulo (6) Pagkatalo.

15. Kung pareho ang lahat ng ibang kondisyon, kung lulusob ang isang puwersa sa isang puwersang sampung beses na mas malaki, tatakas ang mas maliit na puwersa.

16. Kung masyadong matatag ang mga sundalo at masayadong mahina ang mga officer, pagkasuway ang mapapala. Kung masyadong matatag ang mga officer at masyadong mahina ang mga sundalo, mababagbag ang puwersa.

17. Kung galit at masuway ang mga mataas na officer, at kusang nakikipaglaban sila sa kaaway dahil may sama sila ng loob, bago masabi ng kataas-taasang kumandante kung kayang lumuban o hindi, pagkasira ang mangyayari.

18. Kung mahina at walang awtoridad ang heneral, kung hindi maliwanag ang kanyang mga utos, kung walang nakatakdang mga tungkulin para sa mga officer at sundalo, kung pabaya ang pagkahanay ng mga pulutong, gulo ang aabutin.

19. Kung hindi marunong tumantiya ang heneral sa lakas ng kalaban at pumapayag siya na pumatol ang isang puwersang maliit sa puwersang mas malaki tapos hindi siya naglalagay ng piling mga sundalo sa mga hanay sa harap, pagkatalo ang resulta.

20. Eto ang anim na paarang humanap ng pagkatalo, na dapat malaman ng mabuti ng isang heneral na may responsableng posisyon.

21. Pinakamagandang kakampi ng isang sundalo ang natural na hubog ng isang bayan; pero tunay na prueba para sa isang magaling na heneral ang pagtantitsya ng kalaban, ang pagkontrol ng mga puwersa ng pagtatagumpay, at mga tusong kalkulasiyong ng kahirapan, panganib at distansiya.

22. Mananalo sa laban ang nakakaalam sa mga bagay na ito, at nakakagamit sa aktuwal ng kanyang mga kaalaman. Ang hindi nakakaalam nito o hindi ito nagagamit sa aktuwal, siguradong matatalo.

23. Kung sigurado kang magtatagumpay kapag lumaban, lumaban ka, kahit ipagbawal ng pinunong-bayan; kung hindi ka magtatagumpay sa laban, huwag kang lumaban kahit utos ng pinunong-bayan.

24. Bayani ng bansa ang heneral na umaabante na walang hangaring magpasikat at umaatras na walang takot mapahiya, na nasa isip lang ang prumotekta sa bansa at sumilbi sa pinuno.

25. Ituring mong mga anak mo ang mga sundalo mo, at susundan ka kahit saan, kahit hanggang kamatayan.

26. Kung mabait ka pero hindi mo maparamdam ang iyong awtoridad na masunod ang mga utos mo, tapos hindi mo pa mapigil ang gulo sa loob; magiging parang mga batang laki sa layaw ang mga sundalo mo, na walang silbi kahit saan.

27. Kung alam natin na handang umatake ang mga tauhan natin, pero hindi nila alam na hindi masagupa ang kalaban, hindi pa tayo malapit magtagumpay.

28. Kung alam natin na masasagupa ang kalaban, pero hindi natin alam na wala sa kondisyon ang mga tauhan natin para umatake, hindi pa rin tayo malapit magtagumpay.

29. Kung alam natin na masasagupa natin ang kalaban, at alam nating handang umatake ang mga tauhan natin, pero hindi natin alam na hindi tayo makakapaglaban dahil sa lagay ng lugar, hindi pa rin tayo malapit magtagumpay.

30. Kaya ang sundalong sanay, hindi nalilito kapag kumikilos na; kapag nakalabas na siya sa kampo, hindi siya nadidismaya.

31. Kaya may kasabihan: kung kilala mo ang kaaway at kilala mo ang sarili mo, tiyak na mananalo ka; kung alam mo ang langit at lupa, tuluyan kang mananalo.

Irineo B. R. Salazar, 12 July 2015, München

 

Tags: ,

Sun Tzu in Filipino Chapter 9

Ang Puwersang Nagmamartitsya

Maaring makalaban natin ang Tsina balang araw. Kaya hindi makakasama kung pag-aralan natin ang naisulat ng pinakamagaling nilang manunulat tungkol sa gyera noong halos tatlong libong taon na nakaraan. Pag-isipan natin ng mabuti kung saan ito magagamit, at maging aral din sa atin ang mga iilang pagkakamali ng nakaraan. Masakit tignan ang mga litratong ipinili ko, kung ikukumpara ang nangyari sa Mamasapano sa kapitulong ito.  Kaya lang, mas maganda kung haharapin ang nangyari para hindi maulit sa isang kaaway nating tagalabas.

1. Ngayon, titignan natin kung saan dapat magkampo ang ating puwersa, at kung paano natin maoobserba ang kalaban. Bilisan ang pagdaan sa bundok, at manatili ka doon sa may libis.

2. Magkampo ka sa mataas na lugar, araw ang kaharap mo. Huwag kang umakyat para lumaban. Iyon ang masasabi tungkol sa labanan sa bundok.

mamasapano3. Matapos ng pagtawid sa ilog, layuan kaagad ito.

4. Kapag tumawid sa ilog ang kalabang lumulusob, huwag silang salubungin sa gitna ng ilog. Hayaang dumaan ang kalahati ng puwersa nila, tapos atakehin sila.

5. Kung sabik kang lumaban, huwag kang lumapit sa kalaban doon sa ilog na dapat niyang tawirin.

6. Sa ilaya mo itali ang barko mo, araw ang kaharap mo. Huwag kang umakyat sa ilaya para harapin ang kaaway. Iyon ang masasabi tungkol sa labanan sa ilog.

7. Kung tumatawid ka sa labon, atupagin mong makalabas ka kaagad na walang abala.

8. Kung mapilitan kang lumaban sa labon, dapat malapit ka sa tubig at damo at may mga puno ka sa likod mo. Iyon ang masasabi tungkol sa labanan sa labon.

9. Sa lugar na patag at tuyo, doon ka sa may pataas na lupa sa kanan at sa likod mo, para nasa harap ang panganib at sigurado ang likod mo. Iyong ang masasabi tungkol sa labanan sa patag at tuyong lugar.

10. Heto ang apat na mapapakinabangang sangay ng kaalamang militar, na nakatulong sa Dilaw na Hari upang matalo niya ang apat na kaharian ng kalaban.

11. Lahat ng puwersa, mas gusto ang mataas na lugar kaysa mababang lugar, mas gusto ang maliwanag na lugar kaysa madilim na lugar.

12. Kung inaalagaan mo ang mga tauhan mo, at doon ka kumampo sa lupang matigas, walang magkakasakit at mananalo kayo.

13. Kung makarating ka sa burol o pampang, doon ka sa mas maaraw na parte, sa kanan mo iyong pataas. Para sa ikabubuti ito ng iyong mga sundalo at mapapakinabangan mo ang mga natural na kalamangan ng lugar.

14. Kung umuulan ng malakas doon sa may bundok at nababaha iyong ilog na gusto mong tawirin, hintayin mong matapos ito.

15. Huwag lumapit sa mga lugar na may malalalim na bangin na malakas ang agos ng tubig, malalalim na kuweba, lugar na mahirap makalabas, gubat na mahirap daanan sa dami ng halaman, sa mga kulunoy – kung maligaw ka sa mga lugar na ito, umalis ka kaagad.

16. Habang umiiwas tayo sa mga ganitong lugar, gawin natin ang lahat ng paraan para doon mapunta ang kalaban; habang hinaharap natin ang mga lugar na ito, dapat nasa sa likod sila ng kalaban.

MILF_guerilla17. Kung may mga lugar na mabuburol, may danaw na maraming damo, lugar na maraming tambo, o kaya gubat na may mga kasukalan sa paligid nang iyong kampo, hanapin ito ng mabuti at tignan kung may mga kalaban na gustong mag-ambush na nakatago, o kaya espiyang nag-oobserba sa inyo.

18. Kung malapit ang kaaway at nananahimik siya, umaasa siya sa natural na lakas ng kanyang posisyon.

19. Kung wala siyang pakialam, pero naghahamon para magkaroon ng away, hindi siya makahintay na lumusob ang kaaway.

20. Kung madaling maabot ang kanyang kampo, nagpapain siya.

21. Kung may kumikibo sa gitna ng mga punongkahoy sa gubat, umaabante ang kalaban. Kung maraming mga nakikitang kumikilos sa mga damuhan, gusto tayong lituin ng kalaban.

22. Kung biglang umaakyat ang mga ibon sa kanilang paglipad, merong ambush. Kapag nagsisitakbuhan ang mga hayop, biglang lulusob ang kalaban.

23. Kung pataas umaakyat ang alikabok, may mga sasakyang lumalapit; kung mababa lang ang alikabok, pero malawak, may mga sundalong lumalapit. Kung nakikita ito sa iba’t-ibang direksiyon, ibig sabihin na inutusan ang iilan para humakot ng kahoy. Kung konti lang ang alikabok at paiba-iba ng lugar, nagtatayo ng kampo ang kalaban.

24. Kung mapakumbaba magsalita ang kalaban at naghahanda, malapit na siyang umabante. Kung mabagsik siyang magsalita at laging umaabante na parang lulusob, malapit na siyang umurong.

25. Kung nauuna ang mga sasakyan na maliliit at sa mga panig pumupuwesto, naghahanda ang kalaban para makipaglaban.

26. Kung nagaalok ng kapayapaan ang kalaban na walang maliwanag na kasunduan, nagtatangka ito ng masama.

27. Kung nagtatakbuhan at naghahanay ang mga sundalo, malapit na ang sandali ng katotohanan.

28. Kung may iilang mga sundalong lumulusob at iilang umuurong, pain ito.

29. Kung hindi makatayo ng maayos ang mga sundalo, gutom sila.

30. Kung umiinom na ang mga pinapaigib, nauuhaw na ang puwersa.

31. Kung may pagkakataon ang puwersa at hindi nito isinasamantala, pagod ang mga sundalo.

32. Kung may mga ibong nagtitipon sa isang lugar, hindi ito okupado. Kung maingay sa gabi, ninenerbiyos ang kaaway.

33. Kung magulo sa kampo, mahina ang hawak ng heneral sa kanyang mga tauhan. Kung palipat-lipat ang mga bandera, may magrerebelde. Kung galit ang mga officer, pagod na ang mga sundalo.

34. Kung pinapakain ng kalaban ng husto ang kanyang mga kabayo at pinapatay na niya ang lahat ng baka para kainin, tapos hindi na isinasabit ng mga sundalo ang kanilang mga kaldero, alam mo nang handa silang hindi bumalik sa kanilang kampo, at alam mo na rin na handa silang lumaban hanggang sa kamatayan.

35. Kung nagbubulung-bulungan ang mga sundalo sa maliliit na pangkat, hindi sila kuntento.

36. Kung sobrang magbigay ng gantimpala ang kalaban, malapit na siyang maubusan ng reserba; kung sobra siyang magparusa, alanganin na ang sitwasyon niya.

37. Kung mayabang ka sa simula, tapos bigla kang nasindak sa dami ng kaaway, bobo ka talaga.

38. Kung panay pagpupuri sa bawat bukang bibig ang mga pinapadala ng kaaway para makipag-usap, gusto nitong itigil ang labanan para makapagpahinga.

39. Kung galit na galit lumapit ang mga sundalo ng kalaban at matagal tayong hinarap na hindi lumulusob o umaalis, mag-ingat ka talaga.

40. Kung hindi mas marami ang mga sundalo natin kaysa sundalo ng kalaban, sapat na ito – ibig lang nitong sabihin na hindi tayo maaring lumusob ng diretso. Puwede lang tayong magsama-sama ng lakas, obserbahin ng husto ang kalaban, at hintayin ang darating na susuporta sa atin.

41. Ang hindi nagiisip bago kumilos tapos isinisisiw lang ang kalaban, sigurado nilang mabibihag.

42. Kung paparusahan mo ang mga sundalo bago mo sila hawak, hindi sila susunod sa iyo, at kung hindi sila susunod sa iyo inutil sila. Kung hawak mo na ang mga sundalo pero hindi mo sila ipinaparusahan kung nararapat, inutil din sila.

43. Kaya unang-una, maging makatao ka sa mga sundalo, pero panatiliin mong palaging may disiplina. Heto ang siguradong landas para magtagumpay.

44. Kung laging isinisiguradong nasusunod ang mga utos habang isinasanay ang mga sundalo, disiplinado ang puwersa, kung hindi mo gagawin ito, hindi sila disiplinado.

45. Kung bilib ang heneral sa kanyang mga tauhan, pero lagi niyang idinidiin na masundan ang kanyang mga utos, maganda ang magiging takbo para sa lahat.

Irineo B. R. Salazar, München, 8. July 2015

Tags: ,

Sun Tzu in Filipino Chapter 8

Paiba-ibang Taktika

Maaring makalaban natin ang Tsina balang araw. Kaya hindi makakasama kung pag-aralan natin ang naisulat ng pinakamagaling nilang manunulat tungkol sa gyera noong halos tatlong libong taon na nakaraan. Pag-isipan natin ng mabuti kung saan ito magagamit, at maging aral din sa atin ang mga iilang pagkakamali ng nakaraan.

1. Sabi ni Sun Tzu: sa gyera, tinatanggap ng pinuno ang kanyang mga utos mula sa Pinunong-Bayan. Ipinagkukumpol-kumpol niya ang kanyang army at pinagsasama-sama niya ang kanyang mga puwersa.

2. Sa alanganin na lugar, huwag kang magtayo ng kampo. Kung saan nagtatawid ang matataas na daan, makipag-ugnay ka sa iyong mga kakampi. Huwag kang tumagal sa lugar na alanganin. Kapag hindi ka makalabas, gumamit ka ng deskarte. Sa desperadong sitwasyon, lumaban ka.

3. May mga daan na hindi dapat sundan, army na hindi dapat atakehin, kuta na hindi dapat sagupain, lugar na hindi dapat ipagtanggol, at utos ng Pinunong-Bayan na hindi dapat sundan.

4. Ang Heneral na alam kung paano pakinabangan ang paiba-ibang taktika, marunong humawak sa kanyang tropa.

5. Ang Heneral na hindi nakakaintindi rito, hindi magagamit sa aktuwal ang kanyang nalalaman, kahit kabisado niya ang lugar.

6. Kaya ang nag-aaral sa gyera na hindi marunong magpalit-palit ng taktika, kahit marunong siyang lumamang, hindi mapapakinabangan ng husto ang kanyang mga sundalo.getulio-napenas

7. Kaya sa mga plano ng isang lider na tuso, naitimpla na ang mga konsiderasyon tungkol sa pagkalamang at pagkalugi.

8. Kung ganyan ang pagtimpla ng ating inaasahang pagkalamang, maaring makamit natin ang mahalagang parte ng ating ipinaplano.

9. Kung sa gitna na kahirapan, handa nating samantalahin ang isang pagkakataon, maaring makalabas tayo sa masamang sitwasyon.

10. Pinsalaan mo ang mga pinuno ng kalaban para mabawasan sila; gumawa ka ng gulo para lagi silang naaabala, painin mo sila para pumunta sila sa lugar na gusto mo.

11. Maliwanag sa kasanayan sa gyera na huwag tayong umasang hindi darating ang kalaban, pero umasa tayo sa ating pagkahandang sumalubong sa kanya; huwag tayong umasa na hindi siya lulusob, doon tayo umasa na hindi niya tayo masasagupa.

12. Lima ang mga delikadong pagkukulang na makaka-apekto sa isang heneral: (1) kawalaan ng ingat, na makakawasak sa sarili (2) pagkaduwag, na mapupunta sa pagkabihag (3) sobrang init ng ulo na madaling mainsulto (4) sobrang delicadeza na masyadong sensitibo sa hiya (5) sobrang bait sa kanyang mga tauhan, na magbibigay lang sa kanya ng sakit ng ulo.

13. Eto ang limang malaking pagkukulang ng isang heneral, na makakasira sa pamamalakad ng gyera.

14. Kung matalo ang isang puwersa at mapatay ang kanyang pinuno, isa sa limang mga pagkukulang na ito ang tiyak na dahilan. Pag-isipan ito ng mabuti.

Irineo B. R. Salazar, München, 5. July 2015

Tags: ,

Sun Tzu in Filipino Chapter 7

Pagmamaniobra

1. Sabi ni Sun Tzu: sa gyera, nagtatanggap ang heneral nang utos sa pamahalaan.

2. Kapag nakolekta na niya ang kanyang army at naipagsama-sama na niya ang kanyang mga tauhan, dapat muna niyang itugma ang iba-ibang mga bahagi nito bago niya itayo ang kanyang kampo.

US Navy 080123-N-0535P-425 The Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Winston S. Churchill (DDG 81), left, performs an emergency breakaway maneuver during a replenishment at sea3. Pagkatapos nito, kailangan ng mataktikang maniobra – walang mas mahirap kaysa doon. Ang mahirap sa mataktikang maniobra, kung paano mo gagawing diretso ang patalikod, at kung paano mo gagawing suwerte ang malas.

4. Kaya kung mahaba at paikot-ikot ang landas mo pagkatapos ng maiwasan ang kalaban, at kahit nahuli ka pa sa kanya ginagawa mo ang lahat ng paraan para maunang dumating, diyan makikita kung marunong kang magpaikot ng kaaway.

5. Malaking lamang ang makukuha sa pagmaniobra ng isang army, delikado ang pagmamaniobra ng isang malaking grupong walang disiplina.

6. Kung ipamamartsa mo ang isang army na kompleto ang dala para makalamang, malamang mahuhuli ka. Kung isang mabilis na pangkat naman ang pauunahin mo, isasakripisyo mo ang kanyang bagahe at supplies.

7. Kaya kung uutusan mo ang mga tauhan mong itiklop ang kanilang mga diyaket, at pilitin mo silang magmartitsya na walang tigil at sa dobleng bilis sa araw at gabi ng daandaang kilometro upang makalamang, mabibihag ang lahat ng pinuno ng iyong mga dibisyon.

8. Mapupunta sa harap iyong mga mas malakas, mahuhuli iyong mga mahihina, at sa bandang huli isang kasampu lamang ng iyong army ang makakarating.

9. Kung mamartitsya ka ng isangdaang kilometro para makalamang sa kalaban, mawawala sa iyo iyong pinuno ng una mong dibisyon, at kalahati lang ng puwersa mo ang makakarating.

10. Kung mamartitsya ka ng limampung kilometro para sa ganoon din na layunin, 2/3 ng iyong puwersa ang makakarating.

11. Kaya maliwanag na talo ang isang army na walang dalang bagahe, na walang dalang pagkain, na walang dalang supplies.

12. Hindi tayo maaring makipag-alyansa kung hindi natin alam ang mga pakay ng mga bansang kapaligid natin.

13. Hindi tayo handang mamuno sa isang army na magmamartitsya kung hindi natin alam ang hubog ng bayan – ang kanyang mga bundok at gubat, ang kanyang mga bangin at panganib, ang kanyang mga lusak at latian.

14. Hindi tayo maaring makinabang sa mga natural na lamang kung hindi tayo gagamit ng mga patnubay na galing sa lugar mismo.

15. Sa gyera, magpasimple ka at magtatagumpay ka.

16. Depende sa sitwasyon kung ipagsasama-sama o hahatiin mo ang iyong mga pangkat.

17. Dapat kasingbilis ka ng hangin, at siksik na siksik tulad ng kagubatan.

18. Sa pagsalakay at sa pagnakaw maging katulad ka ng apoy, sa tatag maging tulad ka ng bundok.

19. Ang mga plano mo, maging madilim at mahiwaga tulad ng gabi, at kapag kumilos ka, tumama ka tulad ng kidlat.

20. Kapag nagnakaw ka sa isang bayan, bahaginan mo ang iyong mga sundalo; kapag may nasakop kang bagong teritoryo, bigyan mo ng lupa at negosyo ang iyong mga tauhan.

21. Magisip ka at makipagkuntsaba ka bago ka kumilos.

22. Ang sumasakop, natuto nang magpaikot. Iyon ang kasanayan sa pagmamaniobra.

23. Sabi ng libro ng paghawak sa army: sa labanan, hindi makakarating ang salita dahil maingay – kaya kailangan ang tambol at agong. Hindi rin makikita nang mabuti ang mga ordinaryong bagay – kaya kailangan ng mga bandera at senyas.

24. Tambol at agong, bandera at senyas ang nagpumumilit sa lahat ng mata at tenga upang tumingin at makinig sila sa iisang nagbibigay ng direksiyon.

25. Samakatwid, nagkakaroon ng isang diwa ang buong puwersa, hindi maaring mauna ng mag-isa ang mga matatapang, at hindi maaring tumakas ng mag-isa ang mga duwag. Iyon ang kasanayan para mabigyan ng direksiyon ang mararaming sundalo.

26. Kapag may laban sa gabi, gamitin mo ng madalas ang mga senyas na apoy at tambol, sa araw naman bandera at senyas na tela ang gamitin mo, para maimpluwensiyahan mo ang mata at tenga ng iyong army.

27. Maaring mawalan ng loob ang isang army, maaring mawala sa sarili ang isang punong kumandante.

28. Ang loob ng isang sundalo, pinakabuo sa umaga, sa tanghali medyo humihina na, at sa gabi gusto na niyang bumalik sa kampo.

29. Samakatwid, iniiwasan ng isang heneral na magaling ang isang army na buo ang loob, pero inaatake niya kapag mabagal na sila at gustong nang umuwi. Ito ang kasanayan ng pag-aaral sa kondisyon.

30. Antayin mo sa displinado at kalmadong paraan hanggang makita mong magulo doon sa kalaban – ito ang kasanayan ng pagiging kontrolado.

T-54s, T-55s, Type 59s or Type 69s at Diwaniyah, Iraq31. Maging malapit sa pupuntahan habang malayo pa ang kalaban, maghintay habang naghihirap pa ang kalaban, maging busog habang gutom ang kalaban – ito ang kasanayan sa pag-alaga ng sariling lakas.

32. Ang pag-iwas sa isang kaaway na maayos ang mga bandera, pati rin sa kaaway na nakahilera ng maayos at kampante – ito ang kasanayan sa pagaral ng sitwasyon.

33. Hindi na kailangang sabihin na huwag umabante ng paakyat sa isang kalaban, pati huwag siyang labanan kapag siya ang dumarating ng pababa.

34. Huwag habulin ang isang kalaban na nagkukunyaring tumatakas, huwag lusubin ang mga sundalong buo ang loob.

35. Huwag lunukin ang pain na inaalok ng kalaban. Huwag makialam sa isang army na pauwi.

36. Kapag pinaligiran mo ang isang army, bigyan mo ng pagtatakasan. Huwag idiin masyado ang isang desperadong kaaway.

37. Ito ang kasanayan sa digmaan.

Irineo B. R. Salazar, München, 1. July 2015

Tags: ,