Archive for category Stories

Diyos ko Lord!

Temptation Adam Evasabi ni Rico. “Bakit naman?” sagot ni Manny. “Iyong sinabi ni Duterte na bobo raw ang Diyos”. “Totoo naman ah, bakit niya pinalpak ang kanyang ginawa, tayong mga tao. Bakit ganito tayo. Hindi tayo ginawang mga Superman?”. Pumasok sa kusina si Ryan. “Anong kalokohan iyan?” sabi niya. “Kulang pa yata kayo sa kape”. Linggo ng umaga tila may hangover pa ang magkakaibigan, tulog pa iyong isa sa sofa. “Gisingin natin si Winston” sabi ni Manny. “Huwag, patulugin pa natin”. “Baka naman hindi lang halatang gising ang Intsik na iyan” sabi ni Rico. Tumahimik ang tatlo.

“Tama naman si Duterte” sabi ni Manny. “bakit tayo ginawang makasalanan ng Diyos tapos siya pa ang magbibigay ng parusa. Sadista yata”. “Tulad ng Lodi mong si Duts kung ganoon” sagot ni Rico. “Ulol, dilawan! Masyado kang bilib sa simbahan mong iyan. Dinala lang iyan ng mga Kastila rito para gawin tayong mga duwag at masunurin. Puro na lang opo sir, opo haciendero, opo prayle”. Naglabas si Ryan ng tinapay at peanut butter. “Kain muna kayo, usapang gutom iyan, tama na”. Sinimulan na rin niyang magprito ng kakainin nila. Tuyo, itlog at kanin, sabay bawang at sibuyas.

“Paano naging malice kaagad noong kinain ni Adam iyong mansanas?” sabi ni Manny. “Saging na lang” sagot ni Winston habang medyo nagigising. “Kabaklaan iyan, matulog ka ulit”. “Ummm..”. Lumabas si Ryan sa kusina para pumuntang CR. “Hindi naman malice ang kalibugan, ano kayo? “Pero ayon sa Bible, masama tayo dahil galing tayo sa tsuk-tsak” sabi ni Manny. “tama si Duterte!”. Tumayo si Rico para kumuha ng tinapay. “Pinapatawad naman ng Diyos ang original sin” sabi niya. “Si Duterte naman, walang patawad pati sa batang 10 years old, gustong i-drug-test”. Tumahimik.

“Bago dumating ang mga Kristiyano sa Pilipinas, masaya pa tayo.” sabi ni Manny. “Huwag mo lang patulan ang may asawa, basta dalaga at gusto ayos lang noon, at kung mabuntis pakasalan mo”. Naubos ang kape ni Manny, dinagdagan pa niya. “Malisya lang kung ayaw ng babae, kung rape”. “Ano ba iyang simbahan na iyan, ginagawang masama ang natural na bagay?” Bumalik si Ryan at binaba niya iyong ulam na prinito niya. Kumuha ng pagkain si Manny. “Mahirap naman kung sa libog lang idadaan lahat” sabi ni Rico. “baka magkasakit lahat, tapos di mo alam magulang mo”.

“Medyo malabo nga sa akin na pinagsasabihan tayo tungkol sa sex at pamilya ng paring bawal makipagtalik at magpamilya” sabi ni Ryan. “Pero kanya-kanyang paniniwala iyan. Kaya nga belief”. “Bilib ako kay Duterte” sabi ni Manny. “Alam na namin iyan” sagot ni Rico. “Dilawan!”. Nagising si Winston. “Ano ba na naman iyang pinag-uusapan ninyo”. “May Chinese plane na naman sa Davao” sabi ni Rico. “Bakit ako na naman ang tinitignan ninyo?” sagot ni Winston. “Magkape ka muna” sabi ni Ryan. “Magsisimba na ako” sabi ni Rico. “Lumad ako, di ko kailangan!” sagot ni Manny.

Irineo B. R. Salazar
München, 24 June 2018

Tags: ,

Kilig siguro sa akin si Sharon..

2397-sharon-cuneta-dead-serious-about-p10mn-bounty-if-husband-kiko-pangilinan-proven-guilty-of-pork-corruption-400x252 (1)isip ni Duterte bago matulog sa kulambo, tapos maglulô. “Tagal di nakatikim ng tunay na lalaki iyan, dilaw lang, wah buring!” sinabi niya. “e baka pati sa sex, simbahan palagi ang sinosonod!”. “Tapos ni walang excitement” inisip niya “e di ba gusto ng babae iyong marunong umaksiyon?” nagsalita ulit siya “anong silbi ng lalakeng puro opisina lang, e kung hamunin iyan ng nasa kanto tatakbo, ang babae walâ man proteksiyon”. “ay walâ, mahinâ” inisip niya ulit. “Tapos mawala pa trabaho ng disente, wala na. Buti pa tayong mga madiskarte, may lusot-lusot sa tabi-tabi”.

Umupo siya sa kama at nagsimulang magsalita ulit: “iyan, putangina, bakit kasi iyang mga disente, nakikialam sa hanapbuhay nating mga mi diskarte? Kung hindi nila hinabol ng hinabol ang mga Marcos, si Arroyo, pork baril, uki pa sana silâ ngayon, di bâ?” Nagkamot siya ng ulo. “Yaman yaman na ng dilaw, ayaw pagbigyan ang ordinaryong Pilipino tulad natin dumiskarti ng kontî man! Eh ngayon, bawi na tayo! Casino sa Boracay. Projek-projek sa Marawi.” Tumawa si Duterte. “Anong alam ng dilaw, Ingles-Ingles lang. Mawala Kano nila, wala na sila. Buti nga”.

Inantok si Duterte at natulog. Pagsikat ng araw, bigla siyang nakaupo sa labas ng isang cottage sa may beach. Tinignan niya iyong kapaligiran niya. “Ano ito, Boracay?”  sabi niya. “Partido ito” sabi ng boses sa katabing upuan. Lumingon si Duts sa kanan. “Leni?” “Oo.” “Anong ginagawâ ko dito?” “Bisita ka namin dito sa Bikol.” “Paano?” “Ikaw mismo ang nagpunta rito, kaya lang matagal kang natulog.” “Talaga?” “Heto muna suman, kumain ka”. “Baka magtae ako.” “Hindi”. Tatlong suman sa ibos ang kinain ni Duterte. “Saan ninyo ako dadalhin?” sabi niya “sa Den Haag na ba?”.

“Kung puwede sana, matauhan ka man lang” sabi ni Leni. “bigyan natin ng kinabukasan ang mga Pilipino, huwag iyong alila lang ng Intsik. Sana lahat may pagkakataon mag-aral ng kayang pag-aralan at makakuha ng trabahong sapat.” Sagot ni Digong “e di ba libre na ang kolehiyo ngayon” “Galing kay Bam Aquino ang batas na iyan” tugon ni Leni. “e paano kaming mga gago na tamad mag-aral? Ma, inutil talaga ako, Maaaaa” umiyak siya at sumandal kay Leni, pero itinulak siya nitong pataas. Kontrolado ang mukha niya, parang empleyado sa Mental.

“Tsaka paano iyong mga mawalan ng trabaho, anong silbi ng subrang pag-aaral? Sa sistema namin, magdependi sila sa amin na may diskarte.” “Sa pagnakaw ninyo, ibig mong sabihin?” sagot ni Leni. “Hende ah, my Lady, Madame Beautipul, utakan lang, abilidad! Mula pa noong 1521 ganyan talaga tayo kung mag-survive. E tanggalin mo ang moral, ang batas, survival of the fittest ang meron. Diyan tayo magaling, kahit walang pari, walang batas. Tsaka mga babae, sabaw ang poke sa lawyer and killer tulad ko! Dilaw lang natikman mo, sayang ang ganda mo!”

Mabilis na tumayo sa Leni, mas mabilis pa siyang sumampal. Biglang napunta sa buhangin si Duterte at paiyak-iyak: “Maa, huwag mo akong hampasin sa tenga, huwag na masakiiit”. Biglang nagising si Duterte sa may sahig, siyempre sa labas nang kulambo. Pumasok si Bong Go. “Anu ang kumalampag diyan?” sabi niya. “Bakit ka nasa sahig!”. “Eh wala, masarap lang ang panaginip ko!” “Gago, tumayo ka, bihis, maraming papirmâ sa iyoh Chinese Ambassador!” Tumayo si Duts. Kinuha niya ang pantalon niya sa may silya at sinuot niya, tapos iyong gusot-gusot na barong.

Irineo B. R. Salazar
München, 23 ng Marso 2018

Tags: ,

Drama lang daw ang EDSA

EDSAShrine0135 02sabi ng iilan. Siguro “drama” rin para sa kanila ang mga huling hingalo nila Gomburza sa garote. Mga ipokritong pari! Bakit hindi sila namatay ng tahimik! Ginalit pa nila mga kabataang Pilipino. Iyan tuloy, nagsayang pa sila Rizal ng oras sa may putanginang EU na iyan, mga aktibistang inutil!

Tumahimik na kayong mga biktima!

Maraming mapagsamantala na nagtatago sa kanilang kasamaan – maging mga manyakis, mga nambubugbog ng asawa, mga mamamatay-tao. Walang “drama” sana iyong pagpapatay kay Kian delos Santos, kaya lang ang daldal kasi ng CCTV, putanginang iyan. Di sana nabisto ang totoo.

Iyang mga madre naman sa may EDSA, pasalamat sila na maraming tao, maraming reporter, at pati internasyonal na press at TV nakatutok sa pangyayari – kaya drama lang ang tingin ni Mocha sa kanilang pagharap sa tanke. Kung walang nakatingin, nasagasaan na sana sila, di ba Mocha?

Malakas at matatag ang mga mangugulpi!

Parang sinabi ni SolGen Calida na (link): “Pasalamat si Jim Paredes hindi pinatulan nito kundi bugbog sarado ‘yang si Jim Paredes.”. Masaya siguro si Calida kung wala doon si Jamela Alindogan ng Al Jazeera na nakatutok sa eksena ng Duterte Youth at paghamon ni Jim Paredes.

Pasalamat din daw si Pia Ranada Robles na hindi siya sinaktan ng Presidential Security. Hindi na madali ngayong araw gumawa ng ganyan, sa dami ng camera na nakatutok. Noong bata pa ako, may nakita akong eksena kung paano binatukan ni Mayor Estrada ang isang lalakeng reporter.

“Buti nga” ang naisip ko habang natawa ako sa nangyari. Pero hindi bida sa pelikula si Erap doon, tunay na buhay na nangyari iyon. Siguro bida lang talaga ang pagkakilala ko sa kanya – sa movies. Ano ba talaga ang itinuturo ng mga pelikulang ganyan? Na lahat may solusyon na mabilis – gulpi.

Pusila, Pusila!

Walang nakarinig ng pananalitang iyon, nakasulat lang ito sa dyaryo. Pero nakita ng mundo kung paano dinala palabas si Ninoy Aquino noong pag-uwi niya sa Maynila. May masamang biro sa mga ka-edad ko na maraming namamatay sa akala – akala rin lang ni Rizal na mamasyal siya sa Luneta. Imbes na tuluyang maging manhid sa mapang-abusong asal na kumakalat noong Martial Law, dinaan siguro ito sa biro ng iilan. Nararamdaman naman ng bawat bata kapag may hindi tama sa paligid niya. Kasama na rin ang pagkukunyaring walang nangyayari. Nasira ito noong August 1983.

Ninoy naman, bakit ang drama mo kung mamatay? Bakit ka pa nagdala ng reporter para magfilm? Kung hindi sana nabulgar iyon at nashaim ang buong Pilipinas, buo pa sana ang Bagong Lipunan. Tuluyan kaming sanang naging mga manhid sa paghihirap ng iba. Hindi sana kami bleeding heart! Kung akala ni Ninoy na mamamasyal lang siya sa tarmac, hindi iyan nagdala ng repo-reporter! Tanginang mga dilaw na iyan, bakit puro ganyan ang zarzuela? Buti pa si Imelda na kumakanta! Gusto kong makita balang araw kung paano mag-duet si Duterte at si Imelda sa Malakanyang.

Pero tapos na ang panahon na iyan. Betamax lang iyon noong panahon ng ipinatay si Aquino. Tangina naitago nila iyong camera dahil maliit lang. Ngayon may mga digital camera at Internet. Lahat na-fa-fact check. Pati mga sila Tito, Vic and Joey hindi ko na puwedeng pagtawanan. Pambihirang Internet, nalaman ko tuloy iyong nangyari kay Pepsi Paloma. Hindi drama iyon. Nagpakamatay talaga siya. Tulad din ni Maria Theresa Carlson, asawa dati ni Rodolfo Fariñas. Hindi naman siguro drama iyong kanyang pagkuwento ng mga pang-aabuso ng asawa niya (link).

Mga abusador naman, takot mabisto kaya drama ang tawag sa pagsabi ng totoo. Tahimik at dilim ang kaibigan nila. Kakampi nila ang mga taong walang paki o manhid. Dahil mag-isa ang biktima. Hindi nag-isa sa pagdusa ang Gomburza at si Rizal noong pinatay sila. Hindi rin nag-isa si Ninoy dahil maraming kumampi sa kanya. Iba talaga ang dating ng isang bangkay na may sugat sa baril. Nakikita na walang kalaban-laban ang biktima. May natural na habag ang tao. Maliban sa manhid.  Bakit kaya ngayon, paurong na yata ang gobyerno, at ipinagkakailang balak pumatay ng marami?

Ah, expression of outrage lang daw iyong mga banta ni Duterte (link), hindi utos na pumatay? Drama lang pala – o matapang na “pagtanggol sa lahi”? Tulad ng pag-iskandalo ni Sassot sa BBC reporter? O iyong pagtaray niya sa TRT na hindi umobra? O iyong pag-eksena ni “Maharlika” sa isang US symposium ni Trillanes? Wala silang kaharap na tanke at bala. Persida Acosta naman na nakasuot ng pandoktor at hinihimatay, Batong kalbong umiiyak o tumatakbo sa labentador? Drama lahat iyan. Masakit nang panoorin. Kawawa kayo diyan. Buhay ninyo iyan. Hindi palabas.

Irineo B. R. Salazar
München, ika-25 ng Pebrero 2018

 

Madilim ang Paligid

Snowstorm in Tyrol - 02sa labas ng tren pauwi. May nakita akong mga lumilipad sa labas. Inisip ko: “sino ba kayo”? Sabi nila “kami ang mga magsasabi sa iyo kung ano ang mangyayari sa Pilipinas ngayon”. “Ano naman?” sagot ko sa kanila. “Babalik ang Pilipinas sa nararapat niyang anyo at sa tunay niyang kapalaran.” sabi nila. “eh mabuti naman siguro kung ganoon” sagot ko. “Hindi para sa mga katulad ninyo” sabi nila “pagka’t kayo ang sumira sa likas na anyo ng bansa”. Sabi ko naman “at sino naman kami, mga dilaw na naman? At ano kayo, mga DDS siguro. Ang papangit ninyo!”.

Biglang may malaking boses sa likod nila na nagsalita “babalik na ang Pilipinas sa pamumuno ng natural niyang naghaharing-uri. Wala nang pakialam ang mga sistema at pag-iisip na banyaga”.  Tumuloy ang boses “likas na lakas at galing ang ibinigay sa mga pinunong-bayan na katutubo noong araw, ngunit tinanggal ito ng pag-aaping banyaga, sa puwersa at sa pag-iisip, o kaya ibinakla ito ng moralidad ng demokrasya at ng simbahan.” Tumahimik ng sandali. Dinig ko ang malakas na hangin sa labas ng tren.

“Likas ang pakiramdam ng pinuno sa tama at mali, sa dapat patayin at buhayin, sa dapat bigyan ng posisyon at hindi”. Tuloy pa rin “kayong mga nag-aral ng mga kaartehan sa sistemang maka-kanluran, hindi ninyo alam ang likas na galing ng Pilipino na wala sa may degree na kung saan-saan. Sa isip ng isip, walang nangyayari. Gawa lang ang mahalaga.” Parang ang layo ng mga ilaw sa labas ng tren. “Kahit ano pang sabihin ng mga paimportanteng pilosopo, tama rin ang hatol ng mga pinuno ngayon sa kung sino ang itotokhang, kung sino ang ipapashut-up – dahil pampagulo lang”.

“Malapit nang makamtan ng bayan ang pagkakaisang tunay, wala nang pipigil o rereklamo pa”. Sabi ng malalim na boses “babalik ang gintong panahon, at makakamtan ng lahat ng tunay na Pilipino ang kaginhawaan”. Inantok na ako. “Ano naman ang kinalaman ko diyan?”. Sagot ng malalim na boses: “kinakailangan lang ng isang isasakripisyo sa bulkang Mayon, para matanggal ang mga masamang impluwensiya ng limang dantaon”. Tumingin ako palabas “anong tingin ninyo sa akin, isang Magellan?” 

“Hindi, isang hilaw” sagot ng mararaming boses. “buwisit kang pakialamero!”. “Hindi niyo ba napapansin kung nasaan kayo?” sabi ko sa mga buwisit. “napakalamig dito. Iyang parang asukal sa wedding cake” sabi ko “niyebe iyan, o baka naman snow lang ang naiintindihan ninyo?” Biglang nangisay ang mga mukha sa bintana. Nagising ako sa malalim na boses ng konduktor na nagsasabi sa wikang Aleman na “huling stop na, Munich main station, bumaba po lahat”. Iyong maleta ko na parang may diperensiya kanina, OK na noong hinila ko. Bumaba na ako sa tren.

Irineo B. R. Salazar
München, ika-18 ng Enero, 2018

Tags: ,

Binaril iyong Pranses

Title- Executed (6211517393)noong Dec. 30, 2018 sa harap ng Rizal monument. “Subrang bait ni Rizal” sabi ng Pangulong Duterte “nagtiwala masyado sa puti, o – siya pa ang pinatay!”. “Itong si Aquino, ganyan din, parang si Ibarra na subra ang tiwala sa Western solutions, ayan, niluko siya nitong mga Sanoping gago!”. Tuloy-tuloy magsalita ang Presidente, nakakapagtaka. “tayo ngayon, hindi na. Halimbawa iyang ebi-ebidensiya na iyan, kailangan lang ng mga Westerner iyan dahil mas tanga sila kaysa sa atin! Tayo, naamoy natin kung may maling ginawa ang tao”. “Mga konyo tulad ni Aquino, hindi na”.

“O, bakit laging mali si Presidente Aquino?” sabi ni Duterte. “Sa Mamasapano, sa Sanopi, kahit saan!”. “E tayo, alam natin, ramdam natin”. “Di ba nalaman sa imbestigasyon tungkol sa van doon sa Mandaluyong noong isang taon, may kinalaman pala sa druga iyong mga nasa loob?” Hinaplos ni Duterte ang kanyang pisngi. “O iyan, di tama naman pala ang mga barangay tanod at mga PNP!” “Pasalamat tayo kay Secretary Aguirre na magaling mag-imbestiga.” (Palakpakan). “Kaya ngayon, bakit pa natin kailangang magpunta rito si Calamaris? Bias naman talaga iyan mag-imbestiga!”.

“Tayo kapag pumapatay, para sa kinabukasan ng mga anak natin. Kaya ang Westerner, huwag makialam! Si Lapu-Lapu ba humingi ng permiso sa UN at EU bago patayin si Magellan? Hindi!” “Putangina talaga.” Patingin-tingin ang Pangulo sa kanyang mga panauhin. “Kasi parang amoy iyan. Iyong mga Westerner, kailangan pa ng ebidensiya dahil wala silang pang-amoy. Kaya sila ang baho ng kilikili, tayo malayo pa lang amoy na natin”. “Tulad ni Calamaris na iyan, sa itsura pa lang niya, alam ko na mabaho puki ng Pransesa na iyan.” (Tawanan). Biglang naputol ang livestream..

At napalitan ng isang video ng pagpapasabog sa aircraft carrier Liaoning malapit sa may Palawan. Matagumpay sila Anselmo sa kanilang misyon. Patago nilang nakarga ang tatlong Exocet missile mula Samar hanggang sa may Palawan. Papalit-palit ng barko, minsan pasimple pa nga sa ilalim ng mga kalawangin na passenger ship sa may Mindanao, minsan naman mabilisan sa gabi, sa loob ng mga speedboat. Sa bandang huli, ikinarga at inihanda sa may bundok at inabangan ang Liaoning. Kilalang missile ang Exocet sa pagwasak ng mga barko, maliit, mabilis at malakas ang pagsabog.

Isa sa gitna, isa sa harap, isa sa likod. Akala ng mga Tsino ligtas sila dahil jammed nila ang GPS at hawak nila ng Ruso ang Glonass, pero sistemang Galileo ang ginamit ng missile para hanaping ang kanyang destinasyon, sa tulong ng maliliit na drone. Isa ring maliit na drone ang kumuha ng video sa pagwasak ng aircraft carrier. Iyong pag-hijack sa Facebook Live ng Malacanan, ibang istorya. Nagulat ang PCOO, akala kasi nila sagot sila ng China Telecom – pero may taga-Pasig na nakalusot. Biglang itinigil ang hijacking para hindi matrace. Bumalik sa ngangang Pangulo ang livestream.

Pawis na pawis tignan si Andanar – habang naghahanap ng paliwanag kay Presidenteng galit na galit. Si Mocha naman, ang laki ng mata sa pagkagulat sa nangyari – habang nakaupo lang sa may kalsada. Dumilim ang livestream ng PCOO. “Buti nga!” Tumawa si Ricardo. Nakasakay sila ni Anselmo sa speedboat papuntang Puerto Princesa. Doon sa malapit bumaba. Pasimpleng nag-bus papuntang port. May ticket na sila sa barkong papuntang Maynila. Napakagulo ng halos tapos nang naging taong 2018. Malayo pa sa kaligtasan ang bayan. Hindi pagdiriwang ang pupuntahan nila.

Sana naman huwag maging ganyan ang 2018. O ganito (link) – o kaya naman ganito (link).
Happy New Year mula sa Munich galing kay Irineo B. R. Salazar, ika-30 ng Disyembre 2017.

Tags: ,

Speaker Barry Roque

Lechonwas served as lechon in Balintawak by the KFF on Human Rights Day 2018. “He was a pig, not human”, said the Punong Tagpaghusga of the Kalookan Freedom Fighters in Filipino. “sabi niya tutulungan niya kaming mga mahihirap samantalang ang dami sa aming mga pinapatay nila.”. “Bakit naman nila sinasabing mga terorista tayo, kung pinagtatanggol lang natin sarili natin?” isinagot ng Punong Tagapagtanggol, sabay shabu. “at heto naman, kailangan natin ito para hindi tayo mapagod, at walang tigil ang laban”. Sinigaw niya: “mabuhay tayo! mamatay ang kalaban!”.

“Putang ina kayo” sabi ng Pangulong Duterte sa isang talumpati sa Federal Palace na nasa Mactan. “pati Speaker ko kinain na ninyo”. “Bakit hindi kasi si Franklin Drilon ang patulan ninyo, iyong dilawan dapat ang parosahan huwag kami rito” itinuloy niya “iyang mga naglalason ng kabataan, kaibigan ng mga drug lord na ilegal pati na iyong mga drug lord na ligal kuno na galing sa pisteng EU na iyan, mga Sanopi.” Pinahid ng Pangulo ang pisngi niya. “they gone to an international court, can you imagine that? We are a sovereign country with our own justice system and witnesses!”.

“We even have forensic evidence but they say we are planting our evidence. Itanong ninyo kay Secretary Mariano what we are planting. Rice, kamote, coconuts, so use your coconut you stupid EU de puta dilawan who kill our children with vaccines!” Duterte continued. “and that crazy EU really removed our GSP+ privileges and are asking for us to pay duties, sons of BITCHES, what business do they have teaching us about human rights if they poison Filipino children? Tell me!”. Duterte looked at the audience. “Now they should not complain if our customs asks extra money”.

“Customs and traditions, kasama na doon ang corruption”. Napatawa si Anselmo sa harap ng TV. “Sa Catbalogan tayo tumuloy bukas” sabi ng kasama niyang si Ricardo. “Nasa may Sorsogon na ang Kano, nasa bandang Leyte na ang Tsino”. “Kailangan i-secure natin ang Samar to prevent landing”.

In the port of Catarman, Ricardo and Anselmo loaded the French Exocet missiles unto the harmless looking coast guard vessel. The rest of the crew were waiting in Calbayog, hopefully not too drunk. The last sighting of Chinese ships had been off the coast of Bogo City. There was little time left.

Irineo B. R. Salazar
München, 10 December 2017

 

Tags: ,

The New Constitution of the Philippines

Fisherman bugasongwas enacted on Mactan Island on November 30, 2018, in a ceremony presided over by Prime Minister Pimentel, President Duterte and Chief Magistrate Calida. In Accordance with Article II, Section 1: “The Philippines is an Asian democracy. All sovereignty resides in the barangays.” the three took their oaths in front of the 42 thousand plus barangay captains of all islands. In return, they assured all barangays of full legal autonomy in matters of communal cohesion, including the disposal of dissenters, drug addicts and other nuisances. Over 42 thousand fists greeted in return.

The BIR no longer existed. Tax collection has been given to the barangay captains, under the supervision of mayors, governors and state prime ministers. In his long, rambling speech, President Duterte once more defended the system, saying “the national budgeting system was too complicated, and it was also leaking – let us better be honest and let everybody have their cut”. COA, PCGG and CHR have been replaced by the Office of General Audit of Government (OGAG), with the President saying “just one check and balance is enough, so that nobody abuses too much!”

The President emphasized the importance of Article III, Section I: “Only real Filipinos have the right to life, liberty and property. Real Filipinos are free of the wrong ideas of Western liberalism and the temptations of drug addiction” and of Section II: “the right of the barangay to inspect the houses of its citizens to ensure peace, order and harmony shall not be abridged by any laws”. “This is finally a Constitution that is true to our way of life and customs”  said Duterte: “truly free of the ungodly Western temptations of liberty that led our youth to liberal disrespect and drugs”.

Outside the zone of the ceremony, a fisherman watched. Strange, thought Anselmo. No mention of the Bikolano separation, declared in Naga the day before by State Prime Minister Robredo and State Interior Minister Trillanes, a week after Leila de Lima was found hanged in her Crame cell. No mention of wide areas of Manila under Martial Law since the the May insurrections of Caloocan that spread throughout the Metro area after police shot a large number of middle class children. No curses yet in his speech, thought Anselmo: nothing to disturb his false picture of peace and order.

Chinese ships in the surrounding sea joined the Philippine Navy in giving the new Philippine Government a salute. We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of the People’s Republic of China against colonial Western oppression.. was after all how the new Constitution started. Nonetheless, the USS Gerald R. Ford aircraft carrier was docked in Legazpi harbor, waiting for orders. Anselmo took a load of fish from his boat to take them to market. Then he would visit a woman he knew well. Better to wait for the high alert stage to end first. Then he would slip away.

Irineo B. R. Salazar
München, 1 December 2017

Tags: ,

For me, they aren’t human

Kosovo War Memorial, Pristinasaid the Kosovar: “I shall go home to kill Serbs”. This was in the late 1990s, and the Kosovar was an old friend I ran into then. Did he really go back to Kosovo, after the Serbs he said had burnt the house he and his brother had built by working in Germany for years? Did he hurt innocents himself, this strong and simple man, or did he look for the perpetrators? To take personal vengeance like what is the reputation of Albanians, which Kosovars are? Not the imagined Albanians of Balagtas’ Florante at Laura. Was his rage just in passing? Hopefully I will never find out, inspite of curiosity.

There is an old story I heard, of a young Cebuano boy who went to visit his relatives in Davao. His mother and aunts died in an ambush, he survived because he was under his mother’s corpse, presumed dead. He grew up, became a soldier, found the Moros who had done it – and killed them.

Revenge is one of the oldest parts of human nature, and in many societies a part of the culture. Rido is the Filipino Muslim vendetta, yet the Christian too may know venganza or paghihiganti.

Who isn’t human for us? Those who have harmed or destroyed something we love or worked hard for – or who threaten to do so in reality or in our minds, like the fear of some Filipinos in areas not as protected as subdivisions that a drug addict may kill and/or rape him or her for a bit of cash or a watch bought with hard-earned money from abroad. For many Kosovars, Serbs were not human, yet I ALSO know Serbs – in my IT profession – who experienced the bombs of NATO while young. One of them told me – around five years ago – that the tension upon passing Croatia had eased.

A Bosnian Croat – a Catholic – whom I chanced to talk to a decade ago once told me how the civil war had changed him, especially when he remembered how Muslim Bosnians had died next to him there. “People are people, politics divides us, religion doesn’t matter” he said. The bald and muscular man then turned and closed his eyes. He moved his arms to the music in the place we were drinking in, one could see the pain he tried to hide. From at least a decade before, in Bosnia.

Irineo B. R. Salazar, Germany, 27 April 2017

Tags: ,