Tangena trial by ordeal Madagascardahil alam ng barangay kung sino ang adik. Pilipino may pakiramdam. Westerner lang ang bobo na naghahanap pa ng prueba, tulad ni Delimaw na puro ganyan ang hinihingi – e alam naman na ng buong Bilibid na siya ang No. 1 Drug Lord! At huwag kayong humirit ng facts-facts at logic-logic, mga putangina kayong mga dilawan. Rappler ang nag-imbento ng facts-facts, di ba mga dilawan sila? Logic-logic, pautot lang iyan ng mga propesor na Kastila sa Santo Tomas noong araw. Walang silbi sa tunay na buhay. Pampahaba lang ng kuwento. Tulad ng proseso. Kung alam na adik, tapusin!

Proseso pagkakakitaan lang iyan ng mga huwes at abogado na pumoporma sa bar exams nila. Putangina tapos iyong Konstitusyon pa na iyan. Para lang iyan sa mga tanga na di maka-adjust. Iyong mga tipong kailangan pa ng red light at green light para alam kung kailan sila tatawid. Ganyan daw sa Alemanya sabi nila. Bobong mga iyan. EU pamandin sila. Pero tanga talaga sila. Plano ng plano. Akala mo Mar Roxas. Buti pa si Tatay Digong, alam ang gagawin na walang plano. Kaartehan na iyan. Paano mo malalaman kung ano bukas? E bukas baka tinokhang na pamilya mo!

Hay naku, iyang mga de numerong prueba, facts-facts, logic-logic, proseso, batas, Konstitusyon, plano – papel lang iyan, wala ka pang tunay na nagawa. Buti pa si Digong umaaksiyon agad. Sa Boracay merong mga SWAT at helicopter. Sa Kuwait, umaksiyon sila Mocha at Thinking Pinoy. Ngayon, malapit nang umurong at makipag-usap uli ang Kuwait sa Pilipino. Kailangan nila tayo. Kasi genius tayo. Kahit walang plano kayang-kaya natin. Kung baga sa tugtog, widow tayo palagi. Tanginang mga Mozart at Beethoven na puro nota. Buti pa si Freddie Aguilar, magiging Senador.

Tsaka matapang tayo! Hinamon natin ang mga Arabo. Pinaalis ng Pangulo natin iyong taga-EU.  Ano ngayon kung nag-resolusyon na naman ang EU Parliament. Magrosaryo na lang kaya sila ‘no! Dilawan talaga sila, umaasa sa dasal at papeles. Tayo umaasa sa aksiyon, sa tapang at sa pusila! Resbak pa natin ang mga Intsik. Malakas tayo diyan. Bilib sila sa atin. Kaya pinapautangan tayo. Kaya magpapasok ng maraming negosyo sa bansa natin. Pati si Donald Trump niririspito tayo. Iyong Casino ng Galaxy, mauna pa sa Casino ng Kano. Mas sikat tayo kaysa Las Vegas at Macau.

Sa Hapon malakas din tayo. Kalimutan ninyo iyang comfort woman statue. Laos na Maria Clara. Biktima iyan tulad ni Sisa. Laos na ang paawa. Mautak na Pinay ngayon, kikita ng husto sa lalaki. Hapon, Intsik o iyong lubak-lubak na mukha man ang pinag-uusapan. Huwag bobo, sabi ni Mocha! Huwag sobrang guwapo, sabi ni Calida. Mga sobrang guwapo mga bakla. Si Coco Martin, tiyak na dumaan iyan kay Brillante Mendoza ano. Pero babae ka man o lalake, ikaw muna ang bibirahin bago ka makabira sa huli. Ganyan talaga ang buhay. Hindi tayo mga santo, kaya babuyin na natin.

Irineo B. R. Salazar
Munich, Mayo Uno 2018


https://www.philstar.com/headlines/2018/04/27/1810010/release-narco-list-does-not-violate-human-rights-palace-says-despite-past-inaccuracies

Presidential spokesman Harry Roque said that the order of President Rodrigo Duterte for the Philippine Drug Enforcement Agency to release the government’s list of so-called narco-politicians did not violate the human rights of individuals to be named as they were running for elective government posts.

He said that the list would just “confirm” what was supposedly common knowledge among residents of a village who knew the people involved in illegal drugs in their communities.