October 2017
M T W T F S S
« Sep    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Desisyon ng Sambayanan

Philippine election corridorsPalapit ng palapit na ang eleksiyon. Magdedesiyson ang Pilipino. Hindi lang tungkol sa Presidente at VP, kundi tungkol sa Senado at Kongreso. Sa mga Gobernador at Mayor. Lahat ng level ng gobyerno pagdedesisyonan. Ako naman, tagalabas na dating tagaloob na napilitang umalis – at nasanay na sa ibang pamumuhay. Hindi ko desisyon iyan, kaya ang maibibigay ko lamang na ambag ay mga palaisipan, kung makatulong ito sa iilan maganda, kung hindi OK rin sa akin. Pero heto ang nakikita kong mga dapat sanang isipin ng mabuti ng taongbayan sa kanilang desisyon:

  1. Kakayahan ng kandidato – marunong ba sa pamamalakad ang ibobotong Presidente, VP, Senador, Congressman, Gobernador o Mayor? Bagay ba siya sa level ng magiging katayuan niya? Tandaan natin ang papel ng bawat puwesto – Executive ang Presidente. Hahawak sa Kabinete, mag-aapoint ng mga Secretary sa bawat isa. Mga kenkoy lang ba ang mga hawak niya o hindi? Senador naman, kailangan marunong sa pamumuno at sa paggawa ng batas. Huwag sana iyong pasikat lang. Congressman sa batas din. Huwag sana iyong tamad mag-attend. Please naman.
  2. Programa ng kandidato – matino at kompleto ba ang programa ng kandidato para sa kabuhayan, kaligtasan, karunungan, kakayahan at kaunlaran? Tinignan ko ang programa ni Poe pati na programa ni Duterte. Roxas wala pa dahil wala pang lumalabas talaga na kumpleto, tignan natin kapag kampanya na. Binay parang hindi ko masikmura, pero tignan din natin paglabas.
  3. Ugali ng kandidato. Nasa bawat tao ang pagpasiya tungkol dito.  Merong artikulo rito tungkol kay Grace Poe na isinalin ko mula isang artikulo ni Joe America. Tungkol kay Duterte meron akong naging mga tanong tungkol sa tunay niyang pagkatao gawa ng isang posting ni Parekoy na nasa artikulong ito. Binay alam na natin ang ugali, ayaw ko nang pag-usapan sana siya. Roxas naman may nagsasabing trapo daw, pangmayaman lang daw, ahas pa nga raw. Ewan ko. Mahirap kilatisin si Roxas para sa akin. Mas buo ang tiwala ko kay Leni Robredo.

Meron akong ginawang ranking ng mga kandidato. Pero kanya-kanyang pagiisip at pakiramdam iyan. Kung halimbawa botante ako at may makapagpatunay sa akin na talagang ahas si Mar, eh di baka si Señeres na lang ang iboto ko. Dating Ambassador, medyo kulang ang programa, pero matutulungan siguro ng taongbayan dahil mukhang tapat siya. Kaya lang hindi ako boboto at ayaw ko ring mangampanya para kahit kanino. Pero gusto ko sanang makitang gumanda ang Pilipinas, kaya heto ang maibibigay ko na ambag para makatulong sa nasa Pilipinas sa napakahirap na desisyon:

  • pag-aralan ang tungkol sa pera at statistics. Maraming magagandang artikulo akong nireference doon.
  • Alamin ang tunay na nagawa ng gobyerno at hindi. Dito ako naglink ng maraming mga sources of information.
  • Huwag sana umasa lang sa Presidente. Malaki ang papel ng Senado at Kongreso. Iyong isa kadalasan pampagulo, iyong isa naman tamad. Sino ang bumoto sa kanila? Ang taongbayan.

Tunay na size ng Pilipinas

Mahirap itugma ang isip at pakiramdam para gumawa ng tamang desisyon. Pero pagdating sa pakiramdam – tignan sana ng mabuti kung ano ang nagbago sa nakaraang anim na taon. Balita ko dumami ang trabaho sa mga tourists spots. Oo sa Maynila trapik at ang MRT sira pa rin. Ang mga nasa Pilipinas ang mas nakakaalam sa tunay na anyo ng bayan. Huwag magpaimpluwensiya kahit kanino – kahit sa akin, kumuha ng inpormasyon sa lahat ng makukuhanan. Tignan ang big picture. Kanya-kanyang conclusion iyan. Tatlong halimbawa ng magandang analysis para sa akin:

  • Tito Sotto is Not a Woman. Tungkol ito sa pagtanggal ng pondo sa reproductive health. At ang sitwasyon ng mga mahirap na gustong mag Family Planning.
  • On a Clear Day You Can See the MRT. Tungkol ito sa mga kababalaghan ng kontrata ng kumpanya ng MRT at gobyerno mula noon pa, at sitwasyon ngayon.
  • The SSS in the Philippines. Maliwanag na inanalyze ng nagsulat kung bakit kulang ang pondo ng SSS, at bakit hindi ganyang kadaling itaas ang mga benefits.

Kailangan lang ng konting tiyaga para maintindihan ang mga ito. Wala pang Tagalog translation. Heto lang ang masasabi ko: huwag hahanap kaagad ng isang sisisihin. Sa lahat ng kapalpakan ngayon maraming may kasalanan. Tapos magulo ang sistema ng gobyerno mismo, tagpi-tagpi at buhol-buhol. Walang madaling solusyon sa tingin ko. Ang Pilipinas para talagang binagyo.

At ang mga pagkukulang ng mga pulitiko, kakulangan din nating lahat. Personalan. Pakitang-tao. Kanya-kanyahan. Lamangan. Baka naman dapat munang tignan kung paano napunta sa ganito. Tapos tignan kung ano ang kinakailangan tapos kung paano ito maisasagawa. Halos nagkabuhol-buhol din ang isip ko sa dami ng tema. Kaya kung baga sa mga gamit sa isang bahay na binagyo, nilagay ko sila sa iba’t-ibang kahon para hindi ako malito. Tapos nilipat-lipat ko para mas maliwanag ang aking pagkakaintindi. Kung may ibang maliwanagan din, eh di mabuti. Iyon lang muna.

Irineo B. R. Salazar, München, 6. February 2016

16 comments to Desisyon ng Sambayanan

Leave a Reply

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>