EDSAShrine0135 02sabi ng iilan. Siguro “drama” rin para sa kanila ang mga huling hingalo nila Gomburza sa garote. Mga ipokritong pari! Bakit hindi sila namatay ng tahimik! Ginalit pa nila mga kabataang Pilipino. Iyan tuloy, nagsayang pa sila Rizal ng oras sa may putanginang EU na iyan, mga aktibistang inutil!

Tumahimik na kayong mga biktima!

Maraming mapagsamantala na nagtatago sa kanilang kasamaan – maging mga manyakis, mga nambubugbog ng asawa, mga mamamatay-tao. Walang “drama” sana iyong pagpapatay kay Kian delos Santos, kaya lang ang daldal kasi ng CCTV, putanginang iyan. Di sana nabisto ang totoo.

Iyang mga madre naman sa may EDSA, pasalamat sila na maraming tao, maraming reporter, at pati internasyonal na press at TV nakatutok sa pangyayari – kaya drama lang ang tingin ni Mocha sa kanilang pagharap sa tanke. Kung walang nakatingin, nasagasaan na sana sila, di ba Mocha?

Malakas at matatag ang mga mangugulpi!

Parang sinabi ni SolGen Calida na (link): “Pasalamat si Jim Paredes hindi pinatulan nito kundi bugbog sarado ‘yang si Jim Paredes.”. Masaya siguro si Calida kung wala doon si Jamela Alindogan ng Al Jazeera na nakatutok sa eksena ng Duterte Youth at paghamon ni Jim Paredes.

Pasalamat din daw si Pia Ranada Robles na hindi siya sinaktan ng Presidential Security. Hindi na madali ngayong araw gumawa ng ganyan, sa dami ng camera na nakatutok. Noong bata pa ako, may nakita akong eksena kung paano binatukan ni Mayor Estrada ang isang lalakeng reporter.

“Buti nga” ang naisip ko habang natawa ako sa nangyari. Pero hindi bida sa pelikula si Erap doon, tunay na buhay na nangyari iyon. Siguro bida lang talaga ang pagkakilala ko sa kanya – sa movies. Ano ba talaga ang itinuturo ng mga pelikulang ganyan? Na lahat may solusyon na mabilis – gulpi.

Pusila, Pusila!

Walang nakarinig ng pananalitang iyon, nakasulat lang ito sa dyaryo. Pero nakita ng mundo kung paano dinala palabas si Ninoy Aquino noong pag-uwi niya sa Maynila. May masamang biro sa mga ka-edad ko na maraming namamatay sa akala – akala rin lang ni Rizal na mamasyal siya sa Luneta. Imbes na tuluyang maging manhid sa mapang-abusong asal na kumakalat noong Martial Law, dinaan siguro ito sa biro ng iilan. Nararamdaman naman ng bawat bata kapag may hindi tama sa paligid niya. Kasama na rin ang pagkukunyaring walang nangyayari. Nasira ito noong August 1983.

Ninoy naman, bakit ang drama mo kung mamatay? Bakit ka pa nagdala ng reporter para magfilm? Kung hindi sana nabulgar iyon at nashaim ang buong Pilipinas, buo pa sana ang Bagong Lipunan. Tuluyan kaming sanang naging mga manhid sa paghihirap ng iba. Hindi sana kami bleeding heart! Kung akala ni Ninoy na mamamasyal lang siya sa tarmac, hindi iyan nagdala ng repo-reporter! Tanginang mga dilaw na iyan, bakit puro ganyan ang zarzuela? Buti pa si Imelda na kumakanta! Gusto kong makita balang araw kung paano mag-duet si Duterte at si Imelda sa Malakanyang.

Pero tapos na ang panahon na iyan. Betamax lang iyon noong panahon ng ipinatay si Aquino. Tangina naitago nila iyong camera dahil maliit lang. Ngayon may mga digital camera at Internet. Lahat na-fa-fact check. Pati mga sila Tito, Vic and Joey hindi ko na puwedeng pagtawanan. Pambihirang Internet, nalaman ko tuloy iyong nangyari kay Pepsi Paloma. Hindi drama iyon. Nagpakamatay talaga siya. Tulad din ni Maria Theresa Carlson, asawa dati ni Rodolfo Fariñas. Hindi naman siguro drama iyong kanyang pagkuwento ng mga pang-aabuso ng asawa niya (link).

Mga abusador naman, takot mabisto kaya drama ang tawag sa pagsabi ng totoo. Tahimik at dilim ang kaibigan nila. Kakampi nila ang mga taong walang paki o manhid. Dahil mag-isa ang biktima. Hindi nag-isa sa pagdusa ang Gomburza at si Rizal noong pinatay sila. Hindi rin nag-isa si Ninoy dahil maraming kumampi sa kanya. Iba talaga ang dating ng isang bangkay na may sugat sa baril. Nakikita na walang kalaban-laban ang biktima. May natural na habag ang tao. Maliban sa manhid.  Bakit kaya ngayon, paurong na yata ang gobyerno, at ipinagkakailang balak pumatay ng marami?

Ah, expression of outrage lang daw iyong mga banta ni Duterte (link), hindi utos na pumatay? Drama lang pala – o matapang na “pagtanggol sa lahi”? Tulad ng pag-iskandalo ni Sassot sa BBC reporter? O iyong pagtaray niya sa TRT na hindi umobra? O iyong pag-eksena ni “Maharlika” sa isang US symposium ni Trillanes? Wala silang kaharap na tanke at bala. Persida Acosta naman na nakasuot ng pandoktor at hinihimatay, Batong kalbong umiiyak o tumatakbo sa labentador? Drama lahat iyan. Masakit nang panoorin. Kawawa kayo diyan. Buhay ninyo iyan. Hindi palabas.

Irineo B. R. Salazar
München, ika-25 ng Pebrero 2018