The Healing of the Blind; The Healing of the Possessed - Google Art Projecttanging ibinigay ng Poon sa mga tulad ni Persida Acosta, Franco Calida at Dante Jimenez. Isang babaeng maganda at maputi, dalawang lalakeng dark and handsome. Kalimutan na ninyo ang mga kalokohan na itinuturo sa inyo ng mga katulad nila Florin Hilbay, Dr. Salvaña o Tony La Viña. Maling kaalaman ng mga Westerner ang isinusunod nila, iyong nakasama sa Pilipino ng 500 years. Bago dumating ang mga dayuhan, halos lahat ng Pilipino tumatanda tulad ni Enrile, at walang mga kriminal o adik. So bakit pa kailangan ng Western medicine, ng rule of law o lohikang paikot-ikot? Iyong simpleng kaalaman ng ordinaryong Pilipino, tama na dapat. Pero huwag isipin ng mga dilaw na kaya nilang gumamit nito. Para lang ito sa mga hindi pa nahawa sa tunay na lohika o ebidensiya. Mga palusot na itinuro ng tanginang mga prayle sa UST at Ateneo, at komunistang propesor sa UP!

Kakaiba ang tunay na kaalaman na Pilipino, na meron sa atin mula pa sa panahon ng mga Lumad. Iyong mga ipapasok siyempre ni Duterte sa UP, kung hindi pa niya ipinabomba ang mga eskuwela nila na nagtuturo ng mali at Westernized na pagtuturong komunista. Ang tunay na kaalaman na Pilipino, alam kung sino ang namatay dahil sa bakuna. Walang paarte-arte pa nitong PGH na bias. Alam din ng mahiwagang kaalaman nating katutubo kung sino ang kriminal at hindi, kaya hindi nagdadalawang-isip pa bago mamaril sa salot ng lipunan. Tanginang mga CHR na humahadlang! Ang tunay na Pilipino na hindi pa nahawa sa masamang impluwensiya ng decency na iyan at tunay pang matapang – tulad nila Mocha Uson at Lorraine Badoy, alam kung sinong tunay na tao at hindi! Tunay na tao, mga katulad ni Robin Padilla. Hindi iyong mga sobrang edukado at padise-disente!

Malapit nang lumaya ang Pilipinas. Lumaya sa mga kabobohan ng mga dilaw. Lumaya sa sobrang pagsunod sa mga batas na nakasulat lang naman sa Ingles para magandang tignan, at parang mga sagot ng mga Miss Universe kung pakinggan – anong silbi ng mga ganoon sa tunay na Pilipino? Ang tanging papel ng Bagong Pinuno ng Sambayanang Pilipino na si Rodrigo Roa Duterte ang alamin kung ano ang mali at tama para sa ating lahat. Walang mga batas-batas pang dapat humadlang. Kung gusto niyang ipatanggal ang isang opisyal, banal niyang karapatan ito, huwag magreklamo! Malapit na ring lumaya ang Pilipinas sa human rights – human rights na iyan. Mga pumipigil sa pag-unlad ng bansa, dapat lang ikulong o ubusin. Mga nagrereklamong estudyante, tanggalin sa pag-aaral para palitan ng mga tunay na magalang at masunurin na kabataang Tunay na Pilipino!

Tinanggal na ni Presidente ang Project NOAH dahil hindi naman talaga kailangan ng Pilipino ito. Bakit meron bang flood prediction at kung anu-anong computerized na paraan noon sa may 1521? Kung oras mo, oras mo – matira ang matibay! Kaya matatag ang Pilipinong panahon ni Lapu-Lapu! Pero mga gagong UP na komonesta, itinuloy ang NOAH. Mga Dr. ng DOH, tinoloy ang Dimbaksya! Iyan tignan ninyo, dahil sa Dimbaksya ang daming namatay. Huwag maniwala sa mga PGH-PGH! Si Persida Acosta ang ipinasok ni Presidente sa puwesto, kaya siya ang mas magaling at matalino. Siguro marami ring namatay dahil sa Project NOAH, kaya lang hindi pa nakita ang ebidensya dahil mga gagong dilaw na iyan, magaling magwala nito! Di bale, may araw rin ang mga ugok na iyan. At si Aquino, makukulong talaga iyan. Karapat-dapat lang. Dilaw ang sakit ng sambayanang Pilipino!

E iyong mga bagon ng MRT na dalawang taon daw hindi ginamit tapos biglang umaandar ngayon? Huwag kayong maniwala sa mga sinasabi ng mga dilaw. Ang tunay na Pilipino na pinalaki ng tama, hindi nagtatanong-tanong o nagdududa sa mga sinasabi ng mga kagalang-galang na nasa puwesto! Malapit na ang pederalismo. Maghahari sa bawat lugar ang mga karapat-dapat maghari sa mga tao. Tulad noong 1521 na may mga pinuno ang bawat bayan at alam ng bawat isa ang lugar niya rito. Hindi tulad ngayon na akala ng lahat na may karapatan silang mag-isip at lalo pang magsalita ng kumokontra sa mga may kapangyarihan. Itinakda ni Lord na may mga mayaman at mahirap, na may malalakas at mahina. Tunay na disiplina kapag ang makapangyarihan ang laging masusunod. Sige, matulog na ulit kayo sa pansitan, tama na ang reklamo. Malapit na ang maginhawang buhay!

Irineo B. R. Salazar sa Munich, ika-3 ng Pebrero, 2018
BABALA: satire ang kasulatang ito, pagkat ako’y pasaway