Animals in action; studies and stories of beasts, birds and reptiles; their habits, their homes and their peculiarities (1901) (14568732509)o misteryo yata ang Pilipinas. Tignan ang nangyaring magic tungkol sa Bangko Sentral ng Bangladesh. May napakagaling na artikulo ang isang taga-Singapore tungkol dito (link – basahin sana!) – Pero hindi lang iyon.

  • Napakahigpit ng Bank Secrecy sa Pilipinas mula pa noong 1955 tapos mula pa noong 1974 hindi puwedeng tignan ang mga foreign currency accounts (link – Atty. Laserna).
  • Noong 1990, nagkaroon ng FATF – Financial Action Task Force sa Paris. Na-blacklist ang Pilipinas noong 2000 (link), nagkaroon ng anti money-laundering act (AMLA) noong 2001 (link ulit).
  • Unti-unti itong hinigpitan dahil alanganin pa rin ang katayuan ng Pilipinas noong 2003, tapos noong 2012 ulit – kaya natanggal ang Pilipinas sa “dark gray” list ng FATF (katunayang link).
  • Gusto ng FATF na kasali ang mga casino sa batas, pero ayaw daw ito ng mga casino at ng PAGCOR (link)
  • Iyong pag-alis ng sekreto sa bangko ayaw daw ng iilan sa Kongreso (link na madetalye).

Sa malabong tubig, hindi madaling makita ang mga buwaya. Saan maaring nanggaling ang mga ito?

Paano kaya nagkaganito?

Sa huli kong artikulo (link – basahin sana) nabanggit na kakaunti lang ang humahawak sa kayamanan ng Pilipinas – kahit na marami na ring naging middle class sa mga nakaraang taon.

Sa isang lumang artikulo mula pa noong 1970 (link), maliwanag mag-explain si Senador Ninoy Aquino kung paano nagkaganito, at kung paano ito maaring maging mapanganib para sa bayan:

“When the Americans came, a group of young lawyers started titling lands: this was the beginning of the big estates. Gregorio Araneta, for example, became the lawyer of the Tuason family that claimed this tremendous tract of land from Sampaloc to the Marikina Valley. The original source of the Philippine fortunes was, therefore, land—either Spanish grants, like the Ayala estate, or the acquisitions titled during the 1900s.

“The second generation of Filipino wealth came from government connections.  In the 1920s when Quezon was financing his independence missions, certain people got choice contracts from the government, like the Teodoros of Ang Tibay, the Madrigals of the shipping line.

“Then we have a third generation of millionaires: those who got concessions from government financing institutions, like the sugar barons. The Philippine National Bank was set up and it financed practically the entire sugar-mill construction of the period.  The movement was from Negros Occidental to Iloilo and the sugar barons—the Lopezes, the Javellanas, the Aranetas—started taking over virgin forest.”…

But Senator Aquino sees one great danger: the Filipino who becomes master in Juan’s house may not be Juan de la Cruz himself. Juan may find that the foreign exploiter he kicked out has been replaced by a native one. “The Spanish exile, Salvador de Madariaga, warned that a country can become the colony of its own people.” And the hurt is that it’s Juan’s money that will be used to make him poorer and his master richer. As the taxes that Juan pays to the government too often are used merely to enrich a few politicians, so, in the banking system, the money of the depositors, of the people, may be used merely to capitalize the owners of the banks.

Senator Aquino says that this is already happening.

Kapakanan ng iilang mga may pera at kapangyarihan siguro ang dahilan ng sobrang pagkasekreto ng banking system ng Pilipinas. Huwag naman sana lahat sa kanila, kundi todas na talaga.

Mga epekto nito

Alam na sa abroad na ginagamit na yata ang mga casino at bangko sa Pilipinas para sa kung anu-anong kalokohan. Heto ang sabi raw ng isang report ng US State Department (link ng artikulo):

“Transnational drug trafficking organizations based in East Asia use the existing banking system, casinos, and commercial enterprises to transfer drug proceeds from the Philippines to offshore accounts”

Apektado ang normal na tao rito:

  • baka mapahirap o maging mas mahal ang pag-remit ng pera mula sa abroad kung sakaling ma-blacklist ulit ang Pilipinas
  • baka mahirapang makakuha ng trabaho sa bangko o kung saan ang iilang mga Pilipino gawa ng mabaho nang reputasyon ng bansa

Bukod pa sa bagyo, lindol at hirap sa Pilipinas na alam ng marami, baka maituring pa tayong mga magnanakaw at manloloko sa iilang parte ng mundo. Tama na, nakakahiya na talaga.

Meron bang magagawa?

Maraming imbestigasyon tungkol sa katiwalian na napahamak na ng bank secrecy. Kung legal naman ang kinita kong pera, hindi ako matatakot na malaman ng isang korte ang nasa account ko.

Makakatulong din sa mga imbestigasyon at pagkolekta ng BIR ang pagluwag sa bank secrecy dahil mahihirapan na ang paglusot. Baka maibaba pa ang tax ng mga normal na tao sa bandang huli.

Hindi mawawala ang mga buwaya kung hindi maging maliwanag ang tubig para makita sila. Hindi na siguro dapat iboto sa Senado at Kongreso ang mga dumedepensa pa sa sobrang bank secrecy.

Irineo B. R. Salazar, München, 20 March 2016