Malaya na Tayo! Salamat, Pang. Duterte!

President Rodrigo Duterte addressing Filipino community in Bruneiwala nang ibang kailangan ang Pilipino sa ngayon, kapag natupad na sa wakas ang tunay na kalayaan. Ako, bilang itinakdang sugo ni Apo Bathala, ang nagsasabi nito.  May tanong kayo, mga kapatid? Kung ano kamo ang Pang.? Panginoon at Pangulo! Sinong tumatawa diyan sa likod? Ano ang sinabi ng mga malikot na kabataan diyan? Pangit daw! Hawak pa kayo ng maling pananaw at kaisipan ng nakaraang panahon. Ano, hindi pa raw tayo malaya? Ipapaliwanag ko sa inyo ito, mga kapatid.

  • Malaya tayong magmura! Ang manners-manners na iyan, pautot lang iyan ng mga kolonyalista para gawin tayong masusunurin. Ang Pilipino na mataas ang katayuan at matapang, hindi magalang. Hindi lang maginoo at medyo bastos lang! Iyang pa-dise-disente, maling pagtuturo iyan ng mga Kastila, Kano at nila Rizal. Hayaan ninyong matakot at umiyak ang mga dilawan na balat-sibuyas diyan.
  • Malaya tayong pumatay! Bakit, hindi ba ang mga raja natin noon, bawat pinatay meron silang tatu? Matatapang ang mga ninuno natin, hindi mga babakla-bakla. Hindi iyong mga uurong-urong. Mga morals-morals na dala ng mga misyonaryo, imbento ito para gawin tayong mahina! Ngayon, matakot na ang mga puti sa atin! Mga misyonaryong nakikialam diyan na Kano tulad ni Sister Pox, pinaalis natin! Ano, Australian kamo? Pareho lang iyan, mga putanginang gumagamit ng Ingles!
  • Malaya tayong dumiskarte! Bakit, bawal bang yumaman tayong mga mahihirap? Iyang Daang Matuwid na iyan, sagabal lang iyan sa pag-unlad ng pera natin! Walang kuwenta iyang mga dilawan na nagdedepende lang naman sa mga trabaho nila sa mga amo nilang mga puti! Kung wala ang mga puti, walang kuwenta ang pinag-aralan nila, samakatwid bobo sila! Pero matagal ng alam iyan.
  • Malaya tayong humatol! Iyang putanging facts-facts at logic-logic, hindi sila totoo! Mga hatol ng Pang. Duterte, galing sa likas na pakiramdam na nasa loob niya! Misteryo ito na hindi maiintindihan ng mga bobong Westerner maski kailan man! Alam natin kung sino ang mga drug addict, mga drug lord at dilawan diyan! Iyang mga pautot nila na puro Ingles-Ingles, kalimutan na natin, bobo sila!
  • Malaya tayong lumaban! Lumaban sa lahat ng kumokontra sa tunay na Pilipino at sa minamahal na Pang. Duterte! Lumaban sa mga ayaw tumanggap ng tunay na katotohanan tulad ng Rappler na iyan, tulad ng Bishop David na iyan, tangina! Bastos sila pagka’t kinokontra nila ang mga bagay na nararapat para sa bansa! Bakit, hindi ba iyong mga taga-Sentinel ipinana nila ang misyonaryong lumapit? Dapat iyan ang ginawa natin sa Limasawa. Mga swapang pati sila, kapag Bisaya pagkain at inom para sa lahat, sa misa pagkain para sa lahat, inom sa pari lang!

May tanong pa ba kayo? Hay, kayong mga bata talaga. Siyempre ang Tsina, parang ninong natin iyan, parang padrinyo. Dapat gumalang at tumanaw ng utang na loob sa mas nakakataas, sa loob ng barangay man o sa bansa. Buong Kongreso at Senado halos gumagalang kay Pang. Duterte. Iyan ang pagkakaisa ng isang tunay na bansa. Isang bansa, isang diwa, sabi nga ni Pang. Marcos! Kapag nawala ang mga ungas na hindi marunong gumalang sa mga kagalang-kagalang, mabubuo na ang paraiso natin!

Hay naku, ano ba itong gamot na nainom ko? Fentanyl o shabu? Ano, bakit tumatawa kayo diyan? Tangina, naka-on pa pala ang mikropono. Barilin niyo nga ang technician!

Irineo B. R. Salazar
München, 2 December 2018

3 thoughts on “Malaya na Tayo! Salamat, Pang. Duterte!

  1. Freedom of spits though a cliché is very apt.
    Those you have enumerated are chaotic freedom.
    Like in ROTC article of Joe, my conclusion is:without responsibility ingrained in the individual, ROTC is a useless exercise.

    The only thing that makes Duterte responsible is: He is responsible for the ejks, and the rest that exacerbates our existing ailments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *