Panahon at Distansiya

Tag CV2010 CarreraHeto sana ang tema ko sa New Year. Di bali Chinese New Year ngayon. Anong ngayon? Hindi precise ang salitang ngayon. Ang maaring ibig sabihin nito ay ngayong taon, ngayong buwan, ngayong linggo, ngayong araw. Kung agad-agad ang ibig sabihin ng Pilipino, Now Na ang salitang ginagamit. Dahil sa Ingles, maliwanag ang ibig sabihin ng now. Sa Aleman jetzt, sofort ay agad. Iyong heute ngayong araw. Iyong heuer ngayong taon, pero sa mga dialekto lang ng Bavaria at Austria. Ewan ko ba kung may kinalaman ito sa Tag Heuer na relo.

Panahon at Oras

Anong oras na? Ang oras salitang hiniram sa Kastila. Kaya lang bahagi na ng Pilipino. Ang jeepney Pilipino kahit sa jeep nanggaling. Ang Jolibee mas masarap pa kaysa McDo kahit Hamburger. Ang Hamburger na orig galing sa Hamburg, doon napunta sa barko ang karamihan sa mga Aleman na nakipagsapalaran papuntang Amerika. Pero matagal na iyan. Panahon pa ni kopong-kopong.

Ang kopong kopong, galing pala sa 19-kopong-kopong. Iyong bago pa doon, panahon ng Kastila, iyong napakatagal na panahon pa ni Mahoma. Si Mahoma daw, si Mohammed – Muslim ang Maynila noong araw na mayroon pa raw nila o indigo na tumutubo sa pampang ng ilog na Pasig. Sa bandang Tundo, Kapampangan daw ang salita noon. Sa bandang Maynila, salitang Taga-Ilog. Medyo corny iyong narinig kong tawag sa panahon ng Amerikano at ni Quezon: before the prewar. Iyong McArthur sa salitang kalye, tae raw na bumabalik kahit iflush iyong toilet. I shall return.

Layo at Distansiya

'The Last Gleanings', oil on canvas painting by Jules-Adolphe Breton, 1895, Huntington Library

Mga magsasakang Pranses

Kaya huwag nating sabihin na walang sense of history ang Pilipino. Meron din. Mas precise lang talaga ang mga taga-kanluran. Mas isinusukat lahat. Hanggang ngayon wala akong masyadong pakiramdam sa distansiya. Mga Aleman kung magbigay ng direksiyon, minsan sasabihin sa iyo lakad ka ng dalawang kilometro tapos lumiko ka ng pakaliwa. Gaanong kalayo ba ang dalawang kilometro? Tinatanong ko na lang kung ilang crossing ang tatawirin ko, o kung ano ang aking dadaanan na gasolinahan, restorante, tulay at iba pa. Isang dangkal alam ko pa. Sa bote-dyaryo.

Mga Pranses ang nagsimula sa metro, sentimetro, kilometro, gram, kilogram at iba pa. Iba’t-iba ang mga distansiya, timbang at sukat noong araw sa Europe. Ang one foot paa daw ni Emperor Charlemagne, si Carlos na matangkad. Ang one mile galing daw sa mille passuum – isang libong hakbang ng mga sundalong Roman na nagmartitsya para sakupin ang Europe, North Africa at Middle East. Napadali ang negosyo sa Europa gawa ng itinugma ang lahat ng uri ng pagsukat. Wala nang conversion of units. Itinuloy ito ng European Union. Pati pera rito halos iisa na. Euro.

Bilang, sukat, tantsiya

Roman-calendar

Lumang kalendaryong Roman

Madalas ako magbiro na tatlo lang ang uri ng tao sa mundo – iyong marunong magbilang at iyong hindi. Nagulat ako kahapon sa isang barkeeper na taga-Munich, ang bilis ng utak niya at nakasagot agad… at ang pangatlo iyong marunong magtantsiya. Iyong lumang pag-iisip na Pilipino, simple lang – tantsiya. Panahon ni Mahoma, panahon ng Kastila, panahon ni kopong-kopong. Before the prewar pinanganak ang Tatay ko, 1934. 1935 pumasa sa bar exam iyong lolo ko, pagkatapos ng maitaguyod ang 1935 Constitution. Aba biglang pumasok ang kalendaryo sa usapan.

Si Julius Caesar ang nagsimula sa modernong kalendaryo. Bago siya ang maging Pontifex Maximus, isang mataas na pari ng mga Roman, binababoy minsan ng mga pulitiko ang kalendaryo para tumagal ang kanilang term kung malakas sila sa Pontifex Maximus. Para bang mga politikong Pilipino ngayon – kung may kapit sila sa Korte Suprema, iyong mali nagagawa daw nilang tama. Magmula sa reporma ni Caesar, hindi na papalit-palit ang kalendaryo. Hindi na weder-weder. Si Papa Gregorio XIII lang ang nagreporma ulit ng konti – halos 1500 na taon pagkatapos. Continuity.

Iyong titulo ng lumang pagan na pari na Roman, inangkin ng mga Santo Papa, pati na iyong iilang tungkulin nila tulad ng kalendaryo. Iyong mga Orthodox hindi sinundan ang reporma ni Pope Gregory, kaya ang October Revolution ng mga Ruso, sa Nobyembre nangyari. Saka lang nila inadjust iyong kanilang kalendaryo. Samakatwid, ang bentaha ng mga taga-kanluran, precise sila. Lahat ibinilang, ikinukwenta, isinusukat ng mabuti. Nakarating na rin sa Pilipino. Martial law ni Marcos: September 21, 1972. February 25, 1986: Presidente si Cory. May 9, 2016 may eleksyon.

Kung Hei Fat Choi!

Irineo B. R. Salazar, M√ľnchen

One thought on “Panahon at Distansiya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *