October 2017
M T W T F S S
« Sep    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Papel ng Taongbayan

Philippine Civic Action Group Member Distributes Medicines

Sundalong Pilipinong tumutulong noong araw sa taongbayan ng Vietnam

Kalalabas lang ng isang artikulo ni Joe America tungkol sa FOI. Tama siya. Kailangang maging responsable ang lahat. Huwag na parang mga bata.

Papel ng Iba

Ang nandiyan na

Nagbigay siya ng maraming mga link para makasagap ng inpormasyon tungkol sa ginagawa ng gobyerno:

  • Revenue (perang pumapasok) by source and by department. Perang lumalabas at pumapasok galing sa DBM. Tungkol sa DAP heto naman.
  • Maraming statistics dito. Sa tingin ko – at tingin din ni Joe America – mahina mag-report ang mga dyaryo. Puro iskandalo at chika-chika lang yata.
  • Marami pang inpormasyon sa Official Gazette, sa Korte Suprema, sa Senado, sa Kongreso at sa iba’t-ibang mga Departamento ng Gobyerno.

Papel ng dyaryo

Makikitang maraming ginagawa ang lahat, kaya lang ang mga dyaryo halos puro pintas. At trabaho sana nila ang mag-summarize para sa normal na tao para maintindihan nila ang lahat. Sinabi rin ito ni Joe America. Ako naman, dahil hindi ako Amerikano – hindi gaanong mahilig magmura ang mga iyan – heto ang masasabi ko sa karamihang mga dyaryo: putangina nila! Mindanews mairerekomenda ko. Cebu Daily News OK din – at nakakatuwa ang kanilang cartoonist. Interaksyon para sa mga bagay na pambansa. Inquirer, Philstar, depende sa nagsusulat.

Citizen Ombudsman Office

Sinuggest ni Joe na merong dapat Citizen Ombudsman Office para tumulong sa taongbayan kapag kailangan ang inpormasyon. Ang sagot ko sa kanya itong komentaryo, kulang siguro ito:

  • kailangan siguro ng konting summarization dahil hindi lahat ng tao may panahon at edukasyon para pag-aralan ang lahat ng inpormasyon. Isang central website sanang may mga link.
  • kailangan siguro ng Complaints Office tulad ng meron sa Bavarian Interior Ministry – may kilala akong ale na nagtatrabaho doon, pag may nag-complain tungkol sa mga Mayor sa kanya.
  • kailangan siguro ng civic education office tulad ng meron sa Alemanya, hawak ng Interior Ministry. Doon ako kumuha ng free copy of the German Constitution noong assignment namin.

Meron ding website at hotline number ang gobyerno sa nalalaman ko, pero talagang kulang siguro iyon dahil kulang talaga sa inpormasyon at kaalaman ang mga taongbayan kaya nadidismaya.

Papel ng blog

MRT na sira (galing sa artikulo ng blog)

Pero gawin man ito ng gobyerno o hindi – o kung hindi magpakatino ang mga dyaryo, sino ang gagawa? Mga blog siguro malaking tulong:

  • Tungkol sa MRT ang ganda talaga nitong artikulo ng isang taga-Singapore. Tapos hetong blog ng isang Filipino traffic expert. May artikulo din ako pero suggestion lang iyon.
  • Tungkol sa SSS ang husay ng artikulo ng isang Australian na may koneksyon sa Labor Party – partido na para sa mga manggagawa, pero hindi Komunista, Social Democratic.
  • Ako naman, nais ko lamang tumulong para maliwanagan tayong lahat kaya narito itong blog. Ginawa tayong ignorante simula pa noong panahon ng Kastila, natatalo tayo diyan.

Anong blog ang mga puwedeng basahin. Heto ang mga binabasa ko:

  • Maganda ang blog ni Raissa Robles, pero dapat malaman na maka-Aquino ito talaga at anti-Marcos. Pansinin si Parekoy na nagkokomentaryo doon. Makulit, pero magaling.
  • Ang Get Real Philippines anti-Aquino masyado. Puro pintas tungkol sa ugali ng Pilipino pero kulang ang suggestion para pagandahin. Pero minsan may point sila, lalo na si Grimwald.
  • Si Joe America kumbinsido kay Aquino at Roxas, pero hindi puro pagpupuri lang sa kanila. Iba’t-ibang manunulat doon, maganda ang mga usapan. Si Karl Garcia, makulit dito at doon.

Sa mga blog, maaring matuto sa mga artikulo at diskusyon. Mamumulat ka talaga doon kung gugustuhin mo. Kina Joe mas madaling basahin. Kina Raissa mas simple ang format, hindi masyadong sinisita doon kahit magmura ka pa – kina Joe mas may moderasyon at structure. Kina Raissa mas maraming mga journalist at abogado, pero marami ring mga OFW at migrante. Ang maganda doon kina Raissa iyong mga bagong balita pinopost ng mga tao kaya doon ako nagpupunta para hindi mahuli. Kina Joe naman, ina-analyze, doon ako para kulitin si Joe America at iba.

Papel ng taongbayan

Mga grupong maitatayo

Maraming mga civic groups sa Pilipinas. Tulad ng Citizen Action Network for Accountability o CANA na nagmomonitor ng mga LGU pagdating sa pera. Kasi sa reklamo lang walang mangyayari. Wala ring mangyayari kung aasa-asa lang ang mga taongbayan sa politiko palaga – o kaya sa isang diktador na liligtas sa kanila. O kaya sa Diyos. Nasa kanya nga ang awa, pero nasa tao ang gawa. Kung itatanong sa akin ng isang Pilipino na hindi kontento kung ano ang magagawa niyang mag-isa, ang isasagot ko: eh di huwag kang mag-isa, talagang talo ka doon. Heto ang posible:

  • sumali sa isang civic group kung meron. Posibleng hindi ka sang-ayon sa lahat, pero kung 90% sang-ayon ka puwede na iyon. Hindi rin kami sang-ayon sa lahat ni Joe America. 90% lang. Pero mas maganda kung magtulungan ng puwersa kaysa iyong puro kanya-kanyahan lang. Diyan dapat matuto ang Pilipino sa tingin ko. Hindi marunong sa cooperation.
  • gumawa ng sariling civic group. Hindi ito madali. Nakita ko na ang buong takbo ng politika sa Pilipinas – mga high school club noong nandoon ako, Student Council. Nakita ko rin ang takbo sa mga organisasyon ng mga migrante. Napasubo din ako doon. May mga makati ang kamay. May mga mahilig magbintang kahit walang pinagbasehan. May mga masyadong pabor sa sarili lang nilang grupo kaya nagkakawatak-watak. Ako naman naloko ng isang nagmakaawa. Tinulungan ko sa pera ng grupo dahil ako ang Presidente noon. Tumakbo. Ako tuloy ang nagremedyo, ako pa ang nangutang sa bangko – pasalamat ako sa Nanay ko hanggang ngayon na siya ang nag-guarantor para pautangan ako, kundi sa kalye sana ang bagsak ko o sa preso. 22 years old ako noon. Ibinalik ko ang pera sa grupo at nag-resign ako. Pero siyempre maraming hindi naniwala sa akin, lalo na iyong pangkat ng isang ayaw sa akin. Kung magtayo ng grupo sa Pilipinas, kailangan nasa Internet ang lahat ng kuwenta para walang magduda. Kailangang matuto sa pagiging fair. Huwag pulitikang sapawan, pataasan ng ihi, siraan, paboss-boss, nakaw.
  • gumawa ng sariling Internet Forum o blog para talakayin ang mga mahalang tema para sa bayan. Pero matuto ng tunay na komunikasyon. Huwag sigaw agad, at makinig sa isa’t-isa.

Structured na paggawa

Africa Endeavor planning conference, Bamako, Mali, January 2011 (5412470973)

Disiplinado na pagplano at pag-uusap

Kung aangal-angal lang ang Pilipino kapag may nangyari na, at hahanap-hanap ng papakuhin sa krus, walang mangyayaring solusyon. Kailangan structured ang pag-analyze at pag-gawa:

  • Bigyan ng heading ang mga tema. May artikulo ako tungkol dito: Kabuhayan, Kaligtasan, Karunungan, Kakayahan, Kaunlaran. Para hindi buhol-buhol ang usapan.
  • Magsummarize ng lahat tungkol sa isang tema para mas madaling hanapin at isipin. Tungkol sa pera, meron akong summary sa artikulong ito: Money and Numbers.
  • Kung may grupo o forum, may toka-toka dapat siguro ang bawat tema o heading. Siya ang responsable. Para maayos ang pagpresenta ng mga inpormasyon at links.

Mga civic group, puwedeng kumausap sa gobyerno. Kung hindi makinig, ipahayag ang kulang pa at dapat punuhin. Ipaalam kung ano ang mga mali na dapat pang itama. Mga Internet forum, puwedeng kumolekta ng inpormasyon tungkol sa bawat heading. Tungkol sa bawat tema para kumpleto. Para big picture.

Kaninong trabaho iyan?

Trabaho nga sana ng gobyerno. Kaming mga blogger, puwede rin kaming maasar dahil ginagawa namin ang trabaho ng mga journalist na karamihan tamad yata o kaya bayaran.

Ako masuwerte at maganda magtrabaho ang gobyerno ng Alemanya at may silbi ang mga dyaryo rito, kaya may panahon ako para sa bansang iniwan ko. Pasalamat ako maganda kita ko sa negosyo ko at may panahon akong magbigay ng tulong sa Pilipinas bilang manunulat at analyst – salamat din sa mga libreng unibersidad sa Alemanya, at sa pautang sa akin ng gobyerno para sa estudyanteng mahirap. Pautang iyon hindi bigay. Bibigyan ka ng iilang taon para makahanap ng magandang trabaho, tapos babayaran mo ng unti-unti. Dahil nalaman nilang hindi maganda iyong bigay lang. Totoo iyon, dahil sinayang ko iyong una kong scholarship sa Alemanya. Sa laki ng binigay nila, ginamit ko sa pagbubulakbol. Buti pa noong sa McDo lang ako, kayod pero sipag sa pag-aaral. Talsik ako sa German scholarship, napilitang mag computer work – hindi rin masama dahil negosyo ko ngayon.

Ginawa kong aral ang bawat mali, minsan halos too late pero not yet too late. Hindi pa ako natuto sa lahat ng bagay. Naninigarilyo pa ako. O ngayon, maglabasan na ang mga nakakakilala sa akin dati na alam ang mga kabalastugan ko noon. Hindi ko ipagkakaila. Pero ang mahalaga, matuto sa mali. At sa magandang ugali ng iba – pasalamat ako sa mga Aleman. Marunong magpatawad sa pagkakamali – pero ayusin mo muna ang nagawa mong kapalpakan, at huwag mong ulitin. Saka na iyang kuwento na iyan, tungkol ito sa trabaho ko dati, balik tayo sa pinag-uusapan dito.

Kung kulang ang ginagawa ng gobyerno at hindi pa rin ipinupuno, taongbayan na ang dapat kumilos. Pero huwag mag-EDSA. Trapik na doon. Lalong huwag mag EDSA-Tres, gulo lang iyan.

Kung may mali ang gobyerno at hindi itama, magbigay ng suggestion. Kung kulang ang kaalaman ng mga civic groups at internet forum ng taongbayan, maghanap ng experto. Sulatan ang UP, Ateneo, La Salle. Lakasan ang loob. Huwag papayag na tawagin kayong mga bobong masa. Magbasa ng blog, magpakamulat para maliwanagan. Itong blog ko ginawa ko para makatulong diyan.

Irineo B. R. Salazar, M√ľnchen, 2. February 2016

P.S. gaganda ang gobyerno kung dadami ang followers ng Daang Makulit. Mga katulad ni Parekoy, Joe America (kahit walang imikan iyong dalawa dahil nag-away dati tungkol sa US bases), Karl Garcia, Thaddeus Grimwald – kahit sa “kabila” siya malaki ang respeto ko sa kanya, at marami pa diyan sa mga blog tulad ng Joe America, Raissa Robles at pati na Get Real Philippines.

P.P.S. para walang makapagsabing nagdadag-bawas ako: may ikinorek akong typographical sa artikulo ngayon at dagdag ng konting paliwanag – at links para mapadali ang pagtalon-talon.

8 comments to Papel ng Taongbayan

  • MLQ3 was The pioneer for many of us.Benign0 started early,but he was just like a voice in the wilderness according to him,thanks to his self promotion and the way he keeps on saying “It’s simple really” it almost became his signature.
    He said I always make things complicated.

    • What I meant was because of his self promotion,his made him self infamous.

    • Well, your thoughts have started to find more order. Mine too. In fact all of this here is about ordering my thoughts.

      I featured your article on state finances because it was an excellent attempt to order your thoughts on that matter – and help others learn more as well.

      Those who think they know everything are doomed to stay in one place. Socrates said – whether he was gay or not is irrelevant – that he knew that he knew nothing.

      In fact I will be very happy if you write more articles, even in the way you wrote your state finance article. Because essay comes from French essaie – to attempt.

      Now I may have even misspelled the French. But that does not matter. Try and try until you die, was the joke in UP Elementary. Or go kaizen, improve every time, doggedly.

      Confusion means you are thinking about stuff and have not yet ordered it. I try to classify things. Sometimes enumerate. Put things in different boxes each time. Ordering.

      In fact I also respect benign0 for all his faults. Because otherwise I would act completely differently towards him. He is a necessary irritant – he keeps us all on our toes so we guard against complacency. Like in democracy, you need an opposition, one-party systems tend to become complacent, smug and even corrupt. In fact I have seen that he is getting more careful with his allegations now, but of course he continues to be a gadfly, which is not a problem for me.

  • Thanks for the mention,itutuloy ko ang pangugulit basta hndi ito makasama at hindi ito sumobra.

    Just continue to aggregate all the necessary comments and blogs.

    Dati naging issue kay Benign0 at Mlq3 ito. Dahil madalas gawin ni mlq3 ang magbigay ng mga links sa mga ibat ibang blog,hindi sa comment thread kundi mismo sa body ng blog topic nya.
    Di yata nagustuhan ni benign0 ang ganitong style kaya nag blag sta tungkol dito.

    • Si benign0 kasi pioneer talaga ng Philippine blogging. Huwag natin kalimutan ito so he is very proud. Pero kung baga sa mga pioneer dati hindi siya nag-upgrade.

      Si anti-pinoy din, walang gaanong bagong idea na nanggaling sa kanya. Mga idea malalaya. We are just referring and quoting, sometimes reblogging never sottocopying.

      Hindi masama ang maging makulit, marami kang sources na nilalagay dito na tulong sa pagkamulat. Inaamin kong hindi ko pa nabasa lahat sa dami. Hindi pa nakain at nadigest.

      Meron akong ginawang satire noon kina Joe – Noli today, you are the villager who comes to the friar’s house only for the food. Well that is true, knowledge is food.

      Kumakain ka rin dito, pero nagdadala ka rin ng kung anu-ano: lumpiang sariwa, suman at chicharon. Si Joe isang pioneer din. Benign0, Joe, Parekoy are all pioneers.

      Now expect pioneers to fight sometimes, like Wild Western cowboys. Which reminds me, I think the latest Tarantino movie about these 8 people is good. Panonoorin ko.

Leave a Reply

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>