Pantaleon Alvarezsabi ni Alvarez. Hindi panty ng kabit ang tinutukoy. Creative imagination ko lang iyon. Hatol ng Korte Suprema lang. Papel lang ito para sa isang astig na taga-Mindanao. Astig na babaero pa man din. Hindi baklang dilaw. Kailan ba sumunod sa batas-batas lang ang taga-Mindanao? Sa tao sila sumusunod. Sa mga Misuari, Maute, Duterte. Ang batas dilaw. Ang batas bakla. Para lang iyon sa mga nagpasakop sa Kastila at Merkano. Ang tunay na batas ng Pilipino, sumunod sa nakakataas. Mataas si Alvarez.

Maski raw sa NAIA3 kasama ito sa gulong nangyari. Basta ang alam ko, hindi nabayaran ng buo ang bagong airport. Pero bakit naman magbabayad ng utang sa Aleman? Mayaman naman ang Aleman, mahirap lang ang mga Pilipino di ba? Makaganti naman sa mga dayuhan na puti. Lalo na iyong mga hindi na astig ang dating tulad noon. Bakla na sila ngayon, noon todo-todo silang pumatay ng Pilipino sa Samar, sa Bud Gak. Ang Intsik at Ruso – brutal pa rin ngayon. Diyan bilib ang tribo ni Duterte.

Kami at Kayo

Tsaka ano ang silbi ng Konstitusyon na pagbabasehan ng Korte Suprema. Gawa-gawang dilawan iyan. Anong taon? 1987. Panahon pa ni Koring dilaw iyan. Kasisimula pa lang ng Alsa Masa. Bago pa lang si Mayor noon. Tagal na niyan. Bakit pa susundan kung ayaw na ng mga tunay na Pilipino. Sino ang mga ito? Siyempre tribo ni Duterte.

Ang tribong dilaw, unti-unting sisindakin at pagbibintangan. Hindi nakalusot iyong kay Aguirre kailan lang. Pero di bali, paiimbestigahin pa rin kahit walang basehan. Hindi naman mahalaga ang totoo at hindi para sa tunay na astig. Basta “pinaninindigan”, kahit mali, nagiging tama. May naaalala akong isang taga-Pagadian, gustong palabasin na hindi raw tunay na Swiss knife iyong isa kong Victorinox na orihinal. “Pek iyon, pek!”. Siguro paulit-ulit na sinungaling, totoo na. Bilib na talaga ako.

Patay kung Patay

Iyong mga pumatay kay Mayor Espinosa, homicide na lang. Hindi naman daw murder dahil kailangan premeditated iyon. Tama naman, e nag-meditate ba sila Marcos (iyong pulis) bago nila patayin iyong isang Mayor na hindi importante? Common sense lang, common sense. Tsaka napatestigo nila iyong anak ni Espinosa kontra kay De Lima, hindi ba napakabuti nito para sa bayan? Kalaban si De Lima. Pagkat lahat ng kalaban ng pinunongbayan, kalaban ng bayan. Sino siya para kalabanin si Meyor.

Hindi iyong Meyor na Espinosang patay na. Meyor Duterte siyempre. Sino si Inday na may magarang machine gun? Hindi, iyong matandang sira-ulo! Si Misuari? Hindiiii! Iyong ina-idol ni Robin Padilla! Ahhh… iyong Sultan ng Sulu na nagpalusob sa Sabah! Hiiindiiii! Tagal na niyan. May mga bibitayin na raw sa Malaysia.

Sino iyong mga iyan mga Maute? Hindi, mga alagad ng Sultan! Kawawa namaaaan. Ulol. Mga Maute dapat bitayin din natin. Oo nga naman. Unahin si Bam Aquino!

Tsimis sa Barangay

Bakit si Bam Aquino? E di ba kasasabi lang ni Aguirre na kasabwat siya! Pati na rin sila Trillanes. Malamang si Hontiveros at De Lima kasama din. Basta sabi ng mga tao.

Tsaka talagang ganyan. Noong araw daw sa Tsina, merong Gang of Four. Pati kriminal na nagsisisi, binabanggit ang pangalan nila bilang masamang impluwensiya. Siyempre uso na ngayon ang lahat ng pamamalakad na galing Tsina. Sila na ang kinakapitan natin. Di ba Red Guards noon, kapag sila nagbintang, walang tumututol?

Mas epektibo nga. At mas tugma sa tunay nating kultura. Kapag natsismis ka ng Pilipino, patay ka dapat. Ang bintang ng mga taongbayan iyon ang dapat MASONOD! Batas-batas, human-human rights, konsti-konstipasyon inutil ang mga iyan, kaartehan lang. Punitin na natin. Tanga! Konstitusyon hindi konstipasyon. Basta ayaw ko na rin ng konstipasyon, pahingi nga ng saging na SABA para matunawan ako. Tapos basta alam ko na kung kanino ako sosonod, mga batas na iyan nakakasakit lang ng OLO!

Irineo B. R. Salazar

München, ika-9 ng Hunyo, 2017 sa kalendaryong Kristyano
(unang taon ni Digong, sa bagong kalendaryong Pilipino)