PNP training by Bavarian State police (source: Hanns-Seidel foundation)

Maraming humahanga kay Rodrigo Duterte. Sa totoo lang, marami talaga siyang nagawa sa Davao, hindi mapagkakaila ito. Pero maraming gustong siya ang maging Presidente, para lumaki raw ang seguridad sa Pilipinas. Maraming krimen ngayon sa Pilipinas, maraming takot, at maraming sawang-sawa na. Pero siya ba ang solusyon? Tignan natin ng mabuti.

Mga nagawa na ng gobyerno

Tignan muna natin ang nagawa na ng gobyerno. Matagal ng tinutulungan ang Pilipinas ng Hanns-Seidel Stiftung sa München para repormahin ang pulis at hustisya. Ang Hanns-Seidel-Stiftung, Pundasyon ng partidong CSU (Christian Social Union) na konserbatibong partido sa Malayang Estado ng Bavaria, isang federal state ng Alemanya.

Hindi lang konserbatibo kundi kanan, kinikilala pagdating sa law and order. Ang mga tulong nila sa Pilipinas na mababasa sa brochure na ito: http://www.hss.de/fileadmin/suedostasien/philippines/downloads/2014/HSF-Philippinen-EN__Oct_2014_.pdf at balita rito: http://www.hss.de/southeastasia/en/philippines/news-events.html.

Naniniwala ako rito dahil dito ako sa Bavaria nakatira, sa München, mula noong 1996. Walang bolahan dito. Mahigpit ang pulis, marunong ang hustisya. Kahit gabi makakalakad akong pauwi na walang takot, kahit babaeng mag-isa rito puwedeng gawin ito. Ano ang itinulong?

  1. Sa paggawa ng bagong Codigo Criminal ng DOJ. Natapos ito noong 2014, at narinig ko na baka ipass ito by 2016. Kapag mas simple ang batas, wala nang lusutan.
  2. Ang PNP, binibigyan ng mas modernong training sa tulong ng Bavarian State Police since 2008. Merong follow-up ito ng mga Aleman mismo, hindi lang ito pakitang-tao.
  3. Binibigyan ng human rights training ang PNP para mas magtiwala sa kanila ang taongbayan. Dito rin ay may follow-up ang mga Aleman since 2008, hindi nagpapabola.

Hindi biro ang Bavarian State Police. Kinikilalang pulis sa Alemanya at sa mundo. Pulis noong panahon pa ng Nazi, kaya natuto rin sila sa human rights after the war, ngayon sila ang mga teacher.

Ang München parang Davao ng Alemanya. Sa Berlin magulo minsan at maraming krimen. Dito sa Munich hindi. Kaya kung sila ang nagtuturo sa PNP, bilib ako. Pero hindi overnight results iyan.

Totoo ba ang lahat tungkol kay Duterte?

Hetong posting ang nagbibigay sa akin ng duda: Duterte is a legend in his own mind! tignan natin ang iilang nilalaman:

Every Davao City resident follows the law and city ordinances to the letter.

Parekoy: ‘Every’ is an exaggeration! My friends (Fil-Chinese) who are close to Duterte keep on violating the city ordinances and even the speed limit and they get away with it dahil malakas sila kay Duterte. Also Davao City has criminals and the record shows that they exist but less compared to other cities.

It is the only city in the country (and perhaps in the world) where criminals fear to tread.

Parekoy: Petty criminals are not welcome for sure but the heavyweights, like the Ampatuans, even have residences there and enjoys the protection of Duterte. NPA commanders even have safe houses there that and the Military can’t touch them for they don’t want Duterte to be offended.

All drivers in the city observe the speed limit of 60 kilometers per hour on the highway and 40 kph in the city proper.

Parekoy: All drivers? Nope. I visited Davao City and my friend who is a friend of Duterte drove faster than 60kph and even saluted by the traffic officer!

An owner of a nationwide retail store chain told me how his application for a business permit breezed through the process without paying a single centavo in bribes to City Hall. That’s the reason many businesses are scrambling to set up their main office in Davao City.

Parekoy: Robredo did it in Naga City for that is what our LGUs are mandated to do but seldom followed. I will give a thumbs-up to Duterte on this regard.

He is also on the prowl for criminals he wants to catch in the act.

Parekoy: Propaganda. Digong is a coward. He makes sure that the petty criminal is caught firs by his goons then his goon calls him and for media mileage he shows how tough he is kuno by slapping the petty criminal when the tipped media is present. Sarah Duterte learned from her father in abusing people in front of the public for they know that the poor guy can’t fight back who is scared shitless surrounded by Digog’s death squad.

His sterling leadership in Davao City will be replicated in the entire country—if he is elected President.

Rody duterteParekoy: Replicated? More death squads to eradicate petty criminals but coddle bigtime drug lords, smuggling lords, plunderers, oligopolists, etc…

Posting lang ito, pero mukhang may inside sources ang nagpost, matagal ko nang ka-exchange iyan sa Cyber Plaza Miranda ni Raissa Robles.

Siguro dapat alamin kung totoo iyong mga nasa posting na ito, at huwag paniwalaan kaagad ang lahat ng maganda tungkol kay Duterte.

O ano ngayon?

Ano ang mas maganda:

  • idevelop ang isang maayos na sistema ng batas, hustisya at pulis tulad ng nasa mga bansang moderno gaya ng Alemanya? o
  • umasa sa isang tagapagligtas na inaakalang Superman ng mga tao, pero maaring hindi rin o kaya tipong warlord pala?

Ang isa pa:

  • Davao siguro maaring nakaya ni Duterte. Kabisado niya itong lugar niya, baka kaya pa niyang idesisyon kung sino ang nasa listahan niya, kung meron man.
  • Pilipinas maraming isla, ang daming tao. Baka hindi na niya mahawakan ang mga taong gagawa para sa kanya. Baka marami pang mga madamay na inosente.

Hindi madaling gawan ng solusyon ang sitwasyon na nasa pangit na. Pero baka mas malaki pa ang side effects ng solusyon na biglaan at hindi kontrolado. Pag-isipan sana ito.

Irineo B. R. Salazar, München, ika-26 ng Nobyembre, 2015