Categories

May 2018
M T W T F S S
« Apr    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Talo si Sereno, Panalo si Duterte

Wikipedia scale of justice3ayan mga DDS, inyo na ngayon ang Pilipinas. Si VP Leni napakadali na lang sigurong tanggalin. Tapos si Panot kukulungin na dahil sa Dengvaxia. Wala nang husgadong aayaw sa kaso ni De Lima dahil puwede silang ikuwaranto ni Calida. Ayan makakaganti na kayo sa wakas. Sa mga elitista. Magiging pare-pareho at pantay-pantay na ang Pilipino. Siyempre may mayaman pa at mahirap. Pero wala na iyong sobrang galing mag-Ingles. Wala na iyong mga pa-rule-of-rule-of-law diyan. Lahat ng desisyon manggaling kay Tatay Digong. Tulad noong panahon ni Mahoma at Lapu-Lapu.

Walang Korte Suprema noon. Walang Katoliko. Walang mga Unibersidad na puro demonstrasyon. Walang mga borloloy na batas na sobrang komplikado. Walang dilawan na druglord. Walang adik. Pero wala pang Facebook at Globe. Huwag kayong matakot, hindi tayo babalik nang todo-todo ano. Pero iyong mga nagmamagaling ngayon hindi na pupuwede. Lahat na parang iisang barangay. Kung ano iyong kaya ng Presidenteng kantahin, iyon lang ang tugtog. Rakrakan ni Baste OK din. Mga librong Western na nakakalason sa isip ng kabataan, tatanggalin. Kailangan ba ng China iyon?

Sila Tulfo, Acosta, Calida, Topacio at Gadon, mapupunta lahat sa Senado. Mabuti pa sila kaysa kay Bam Aquino na bakla. Kung anu-ano ang gustong gawing pakulo para sa technology development. Hindi kailangan ng Pilipino iyan kapag nandiyan ang China. Kailangan nila nang tapag-alaga. Parang mga Kuya at Ate na magbibigay sa kanila ng payo, para hindi sila lumayas sa daan ni Tatay. Pagkat alam ni Tatay Digong ang tamang daan. Walang tuwid na daan sa mga isla, puro baluktot. Kaya huwag kayong umasa sa anumang pangako. Mag-adjust kayo. Para ito sa ikabubuti ng lahat.

Mga journalist. Isa-isahin talaga sila. Bastos sila. Meron bang mga anak na sumasagot sa Tatay? Western countries siguro, mga masasamang ugali. Nasa kanila ang droga, Dengvaxia at democracy. Mga bagay na pampagulo sa lipunan. Unti-unti silang makikibagay o mawawala. Tulad ng dilawan.  Happy-happy na lahat sa wakas. Simple at komportable ang magiging buhay. Huwag magtanong. Basta alam ni Tatay Digong iyan. Supreme Court? Bakit may drug lists naman sa may barangay. Paano kung mamarkahan ka? Problema mo iyon! Para ka bang Serenong di marunong makisama?

Mga seaman, alam naman siguro ninyo ang mga lumang kuwento. Sa mga mapanganib na lugar sa dagat o sa may ilog, may mga babaeng nakaistambay at umaakit sa mga seaman. Mga Sereno ito. Mermaid din ang tawag sa kanila, halimbawa doon sa pelikulang Pirates of the Carribean Nr. 4. Huwag makinig sa kanilang kanta at baka maligaw pa kayo, mga Pilipino! Huwag magpa-akit! Huwag maniwalang sila mga babaylan ng katutubong Pilipinas! Lalake lang ang namumuno noon!  Inakupo mga DDS atbp., sana ganyang kadali ang mundo ano? Gising sa panaginip..

Irineo B. R. Salazar
ika-12 ng Marso 2018, München

 

2 comments to Talo si Sereno, Panalo si Duterte

  • sonny

    Some impressions from “tales” of history:

    – turns out some of the best wines, beer & whisky were formulated by French, Dutch, German & Scottish Catholic monks; the paradigm, seems to me: cold countries + monks in contemplation and prayer, very orderly life of monastic routine, hours in the scriptoriums, hours in cultivating fields for food, hours teaching the nobles of the realma and sometimes debating the kings and nobility about the lives and livelihood of the serfs of the realm, preoccupation with questions of defense against austere conditions of winter, absence of instantaneous communication and lots of time away from idle games were good ingredients for tending and observing the process and products of fermentation for grapes and human brains;

    – the preoccupations of power down the centuries were concerned with populating or depopulating those fit for self-serving endeavors and enterprises;

    • Yes, the winters of long before. Today we hardly have an idea of how hard winters were then. Modern heating and garment technology has mildened the hardships. Add modern food transport. Modern means of transport in general.

      And the days of slower travel and communication. Yes. Even we have experienced them. You of course with the classic boat to San Francisco, before jet travel became the norm. But I also still have known times where Newsweek and Time brought international news to Manila, where an international phone call cost a fortune and had to go via operator, not direct-dialled! Even calling the province was a laborious matter. Then came the first fax machines. Before that instantaneous communication was a privilege of those who could afford a telex machine – often Embassies.

      The days of monks of yore, before Gutenberg’s print. Every word given attention, copied by hand. Even printing was a revolution then, and some took less attention to what they produced as it could quickly be reproduced and distributed – the first type of trolling centuries ago.

      And today: we have everything yet too much. It is a discipline in itself to turn away from the information that is offered, to sift through it for relevance. Data is not information is not knowledge is not wisdom, was a paper printout on the door of one of my informatics professors.

      What is even harder – even for me who set out to chronicle as dispassionately as possible – is not to be emotionalized. Those who are in the middle of the fray are completely lost in things. From time to time, it pays to pause and let things arrange themselves, not get lost in detail. This is one reason I am putting longer breaks between articles – to gain new perspectives. Otherwise mundane diversions set the agenda. Where the way finally leads is what counts.

Leave a Reply

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>